At kung anu-ano pang kapalpakan sa buhay... Eto share ko yung sa akin...
@resto
Magmemeeting kasi yung hobby group namin sa isang Italian resto sa
Greenbelt. Eh siyempre dahil all-men saka yung iba eh medyo mayayaman,
aba eh todo manners and etiquettes naman ang loloh niyo! Of course,
pa-Ingles-ingles na lang saka medyo upscale ang usapan! Nagsimula nang
magtsibugan... Umorder na pala sila kaya nagdadatingan na yung mga
order nila.
Sabi ng isa sa kanila, "How about you, Fuji?
What's your order?" So umorder na din ako. At dahil first time ko lang
makaranas kumain sa isang sosyal na Italian resto, nagpaka-VIP na
talaga ako. Sabay tawag ng waiter. Sinabi ko order ko (actually yung
pinakamurang main dish lang inorder ko, hehe).
Pagkaalis nung waiter, sabay kamot sa ulo at kinausap ang sa tingin ko
ay ang manager ng resto. Mukhang naging tensyonado si waiter habang
nakikipag-usap kay manager sa hindi ko malamang dahilan. Pati ang
manager naging parang frantic na din. Maya-maya pa dumating na ang
inorder kong Sicilian Spaghetti. Tinginan yung mga kasamahan ko. Ni
hindi man lang daw ako umalis sa upuan ko. 'Di ko kaagad na-gets ang
sinabi nila. Kain lang ng kain ang loloh niyo. Habang nasa gitna ng
pagtsibog eh tumingin-tingin ako sa resto. At nang dumapo ang mata ko
sa parang counter, nanigas ang loloh niyo...
Anak ng... MAY SELF-SERVICE COUNTER PALA! Dun pala pumipila muna
yung mga customer at umoorder! Sumobra naman pala ang pagka-VIP ko! At
bago pa man tuluyang atakihin yung waiter at manager na nag-uusap pa
din nung mga oras na 'yon, ay tinawag ko uli ang waiter at this time eh
si manager na ang lumapit.
"Yes, sir? Is there anything you need?", magalang na tanong sa 'kin ng manager.
"Nothing, I'll just pay my bill."
Magalang niyang kinuha ang pambayad ko at agad na bumalik para bilangin ang sukli sa harapan ko.
"Sir, here's your change. *bilang ng sukli* Thank you, sir. Enjoy your meal!", nakangiting tugon ng manager.
At saka pa lamang kumalma ang kawawang waiter at manager. Ayun,
namumula ang loloh niyo sa kahihiyan! Ang lesson: Sa susunod, tsekin
munang maigi ang resto!