Isa pang opposite natin sa mga Hapon: mahilig mag-anak ang mga Pinoy maski di kayang palakihin ng maayos ang pamilya, samantalang ang mga Hapon, ayaw na mag-anak kaya may population crisis sila. Dumarami ang matatanda, pero di nadadagdagan ng batang population.
Naka-attend ako dati ng isang talk ni Sec. Neri (nung nasa NEDA pa lang sya) at sinabi nya, gamitin daw natin ang ating population as "asset", tulad ng ginagawa ng Japan. Rather than look at a large population as a liability, we should look at it as an asset. Madaling sabihin, mahirap gawin. RP simply does not have the means to turn our population into an asset - with the state of our educational system, I don't know how else it can be done.
fujiringo:Kawawa talaga sila, lalo na't madalas eh nagiging biktima pa sila ng mga juvenile crimes.
Nakabasa ako ng isang article about 2 months ago. Mga teenagers, sinunog ang isang homeless. Trip lang ata nila. Dyan na lumalabas ang pagiging krung krung ng mga batang Hapon ngayon.

Find Jdorama threads quickly with the Jdorama Index! Click
HERE.