in

Japinoy.com

Everything Japanese for the Pinoy!

Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

Last post 07-24-2008 10:21 AM by jurusu. 29 replies.
Page 2 of 2 (30 items) < Previous 1 2
Sort Posts: Previous Next
  • 04-16-2008 10:27 PM In reply to

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    ^ They are more inclined to like Caucasians. 

    Find Jdorama threads quickly with the Jdorama Index! Click HERE.
    • Post Points: 22
  • 04-17-2008 7:36 PM In reply to

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    Hmmm..halos wala silang pinag-iba sa ordinary Pinoy! Stick out tongue

    Personally, I still preferred Asian.

    The word "IMPOSSIBLE" has no place in my dictionary.


    • Post Points: 5
  • 04-18-2008 12:16 PM In reply to

    • buroizu
    • Top 150 Contributor
      Male
    • Joined on 04-18-2008
    • サンタロサ、ラグナ
    • Posts 51
    • Points 1,027

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    ask ko lang if may pag-asa ba ang mga pinoy kung manliligaw ng haponesa?
    • Post Points: 22
  • 04-20-2008 9:37 PM In reply to

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    ^ Haha! Oo naman. Yun nga lang, maraming Haponesa ang materialistic ha. So you gotta have lots of moolah to buy her stuff. Pero I'm sure there are nice Japanese girls out there.  

    Find Jdorama threads quickly with the Jdorama Index! Click HERE.
    • Post Points: 22
  • 05-10-2008 1:44 AM In reply to

    • kuroitori
    • Top 150 Contributor
      Female
    • Joined on 04-26-2008
    • Mandaluyong (Labas)
    • Posts 40
    • Points 829

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    lol. mahirap pala manligaw ng haponesa... buti nalang girlaloo ako.. eh manligaw kaya ng lalaking hapon? mahirap? hehe. just kidding.

    issue sa office yung tingin nila sa mga pinoy. nung unang years na nagtayo sila ng office dito ang baba talaga ng tingin nila sa mga Firipinjin. Siguro naisip nila ang hina talaga ng mga pinoy. but as years went by, nasanay na yung mga seniors ko sa work na pinoy and kumbaga nakuha na nila yung gusto nung mga Japanese, medyo gumanda yung tingin nila sa amin. But I've read somewhere dito sa Japinoy.com na ang mga Japanese e medyo pakitang tao. I think it's quite true lalo sa office. Parang what they show is different sa sinasabi nila sa mga kapwa nila Nihonjin. Pupurihin ka nila pag kaharap ka nila pero pag sila sila na ang nag-uusap parang umaasim yung mukha nila. 

    • Post Points: 22
  • 05-10-2008 11:09 AM In reply to

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    kuroitori:

    But I've read somewhere dito sa Japinoy.com na ang mga Japanese e medyo pakitang tao. I think it's quite true lalo sa office. Parang what they show is different sa sinasabi nila sa mga kapwa nila Nihonjin. Pupurihin ka nila pag kaharap ka nila pero pag sila sila na ang nag-uusap parang umaasim yung mukha nila. 

    @ kuroitori-san : I think you were talking about the principles of "ura" and "omote" (please correct me if I am wrong anyone!!!!) Or very roughly translated “the hidden side and the front side”.  This represents two ideas of how the Japanese person relates to themselves and the world around them. Question ko lang, do the Japanese practice this in general? Like lahat ba ng tao ganun ang pakita nila or this is reserve to gaijins?

    The word "IMPOSSIBLE" has no place in my dictionary.


    • Post Points: 39
  • 06-11-2008 9:21 AM In reply to

    • fujiringo
    • Top 25 Contributor
      Male
    • Joined on 06-11-2008
    • Republika ng Pasig
    • Posts 1,615
    • Points 10,829

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

     

    I somewhat disagree. Yes, Japan is a xenophobic nation pero hindi pa naman ako nakaranas ng discrimination dun. I get to eat in most restaurants and fast foods, I get to shop anywhere with ease, I get to talk to people and they cheerfully talk back, and I get to seek help and they willingly helped me.

    Kaya lang, hindi rin maitatago ang bakas ng xenophobia doon. Nakakita na rin ako ng ilang establishments na may mga karatula na hindi sila nagpapapasok ng foreigners. May mga apartments dinna ayaw magpatira ng foreigners. Nakakainis, pero I'm glad to know na nagiging broadminded na ang mga tao dun about cultural and ethnic diversity. 

    I get angry sometimes at the Japanese government na basta-basta na lang sila kung mag-deport ng mga foreigners na long-term residents na yet pinaalis pa sila. And kawawa yung ibang asylum seekers kasi hirap sila makakuha ng refugee status dahil sa sandamakmak na kondisyones ng gobyernong Hapon. If you think Japanese politics is any better than ours, think again. Dirty politics is not a Pinoy thing, it's a politicians thing. 

    • Post Points: 22
  • 07-06-2008 12:34 AM In reply to

    • Wigent
    • Top 10 Contributor
      Male
    • Joined on 05-24-2006
    • Manila
    • Posts 3,178
    • Points 62,169
    • SystemAdministrator

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    shoujo_jen:

    kuroitori:

    But I've read somewhere dito sa Japinoy.com na ang mga Japanese e medyo pakitang tao. I think it's quite true lalo sa office. Parang what they show is different sa sinasabi nila sa mga kapwa nila Nihonjin. Pupurihin ka nila pag kaharap ka nila pero pag sila sila na ang nag-uusap parang umaasim yung mukha nila. 

    @ kuroitori-san : I think you were talking about the principles of "ura" and "omote" (please correct me if I am wrong anyone!!!!) Or very roughly translated “the hidden side and the front side”.  This represents two ideas of how the Japanese person relates to themselves and the world around them. Question ko lang, do the Japanese practice this in general? Like lahat ba ng tao ganun ang pakita nila or this is reserve to gaijins?

     

    Hehe. Late reply. Gomen...

    I think you're pertaining to honne and tatamae. Not sure if that's what you mean. There's a thread here

    fujiringo:
    Kaya lang, hindi rin maitatago ang bakas ng xenophobia doon. Nakakita na rin ako ng ilang establishments na may mga karatula na hindi sila nagpapapasok ng foreigners. May mga apartments dinna ayaw magpatira ng foreigners. Nakakainis, pero I'm glad to know na nagiging broadminded na ang mga tao dun about cultural and ethnic diversity.

    Nangyari na rin sa amin ito.

    May kinuhang apartment near our Tokyo office. Dapat walking distance na lang ako sa opisina pero nung nalaman nung may ari ng apartment na Pilipino titira dun, di na pumayag kaya yung apartment-mansion ko naging one train ride from my office. I'm not sure kung in general ayaw nila ng foreigners o Pilipino lang in specific. 

    -Abusive post? Tell us! It's confidential. Click me.

    -Signatures are automatically re-sized to 350px X 100px. This includes both image and letters. Kindly adjust your sigs. Domo.
    Filed under:
    • Post Points: 22
  • 07-06-2008 8:14 AM In reply to

    • fujiringo
    • Top 25 Contributor
      Male
    • Joined on 06-11-2008
    • Republika ng Pasig
    • Posts 1,615
    • Points 10,829

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    Not necessarily Filipinos lang. They are referring to all foreigners in general. Ang pinakadahilan nila ay wala silang staff o yung may-ari mismo ay hindi marunong mag-Ingles. Ang isa pang dahilan, wary sila sa mga umano'y rowdy behavior ng ilang mga foreigners.

    Pero may mga ilang place-specific bans. Sa mga nightclubs, partikular na bawal ang mga puti pero mas kinatatakutan nila ang mga Pilipinong kostumer dahil baka raw mga undercover ito ng embassy o ng Philippine media. Sa mga bath houses naman, pinagbabawalan ang mga Ruso partikular sa Hokkaido. Mga salbahe daw at maiingay ang mga Ruso kaya nila pinagbabawalan ang sinumang puti sa loob.

    Sakaling makaranas ng diskriminasyon, ipagbigay alam ito sa gaijin NGO ni Arudou Debito sa www.debito.org. Makikita rin dito ang ilang mga mahahalagang tips sakaling makaranas ng harassment mula sa mga pulis at immigration officers.

    Palagiang nakahanda sa quick dial ng inyong telepono ang numero ng Philippine Embassy. Kung kayo ay isang mamamahayag, maingat na kumalap ng ebidensya ng harassment kung kayo ay may mga tape recorder o kaya ay palihim na pindutin ang video camera.  

    • Post Points: 22
  • 07-08-2008 8:46 AM In reply to

    • Wigent
    • Top 10 Contributor
      Male
    • Joined on 05-24-2006
    • Manila
    • Posts 3,178
    • Points 62,169
    • SystemAdministrator

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    Ang balito ko na ayaw nila ng foreigners ay dahil maiingay sila. Loud voice o music. Siguro din mahirap disiplinahin mga foreigners sa pagtapon o pagsegregate ng basura. Hehe.

    Sa mga nightclubs naman, alam ko bawal mga Pinoy kasi naiimpluwenshahan (tama ba ispeling ko? Hehe) mga Pinay na workers na lumipat ng club o tumakbo. Something to that effect.

    Recently may issue ata sa mga Brazilians being bad citizens. Nalimutan ko na kung bakit. 

    -Abusive post? Tell us! It's confidential. Click me.

    -Signatures are automatically re-sized to 350px X 100px. This includes both image and letters. Kindly adjust your sigs. Domo.
    • Post Points: 22
  • 07-09-2008 7:43 AM In reply to

    • fujiringo
    • Top 25 Contributor
      Male
    • Joined on 06-11-2008
    • Republika ng Pasig
    • Posts 1,615
    • Points 10,829

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    Oo, primary reason daw ang unruly behavior ng ilang foreigners kaya ayaw sila patirahin sa ilang apartments. 

    Ang pagkakaalam ko eh sinisisi nila ang mga Brazilians ngayon dahil sa ilang juvenile crime at hindi magandang pakikitungo sa mga kapitbahay.

    • Post Points: 22
  • 07-09-2008 10:15 AM In reply to

    • Wigent
    • Top 10 Contributor
      Male
    • Joined on 05-24-2006
    • Manila
    • Posts 3,178
    • Points 62,169
    • SystemAdministrator

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    Ahh... juvenile crimes nga ata ang naaalala ko. Nag-release pa nga ng information drive ang mga Brazilian orgs para sa mga kapwa nila para maging good citizens ng Japan. Di ko lang alam kung ano na nangyaring effect dito.
    -Abusive post? Tell us! It's confidential. Click me.

    -Signatures are automatically re-sized to 350px X 100px. This includes both image and letters. Kindly adjust your sigs. Domo.
    • Post Points: 5
  • 07-24-2008 5:31 AM In reply to

    • midfall
    • Top 100 Contributor
    • Joined on 10-22-2006
    • Posts 87
    • Points 1,834

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    hi fuji-san ano mga offense na nagagawa nila bat sila na dedeport ng basta basta kahit matagl na sila???? nasabi nga yan sakin ng tita ko na nakatira sa japan e, kaya sabi nya magtatry nalng sya badang u.s, mas maganda pa mga immigration law.

    "always wear a smile, it is not b'cause life is full of reason to smile,,,but b'cause your smile can be reason for someone to be happy"
    • Post Points: 22
  • 07-24-2008 8:26 AM In reply to

    • fujiringo
    • Top 25 Contributor
      Male
    • Joined on 06-11-2008
    • Republika ng Pasig
    • Posts 1,615
    • Points 10,829

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

    @ midfall-san - They have no criminal liabilities. They simply overstayed their visas. Nakapagtrabaho na sila lahat-lahat at nakakatulong sa kanilang komunidad, nag-aaral na ang mga bata, at walang intensyong kriminal, pinapalayas pa rin sila nang walang consideration sa human rights nila. Kaya kahit ang mga kaawa-awang refugees na tumakas mula sa masalimuot at kalunos-lunos na lagay sa kanilang mga bansang iniwan, pero hindi sila mabigyan ng refugee status dahil sa higpit ng standards ng Japan. Walang ibang dapat sisihin sa pagiging xenophobic ng mga Hapon kundi dahil sa island mentality nila. Hindi na nila mapipigilan ang influx ng mga immigrants, pero posible pa kaya ang assimilation? Duda ako...

    ===========================================

    Upang malaman ang mga pinakabagong kaganapan sa kalagayan ng mga dayuhang nakakatikim ng diskriminasyon sa Japan, gayundin ang mga artikulo at maraming mga makatutulong na tips at impormasyon, pumunta lamang sa website ng foreigner rights activist at author na si Arudou Debito, sa www.debito.org.

    Nakapaloob sa website ag maraming mga impromasyong makatutulong upang ang ating mga karapatanay maprotektahan.

    TANDAAN: Bagaman labag sa konstitusyon, HINDI PA RIN GANAP NA ILEGAL ang diskriminasyon sa Japan. Wala pang naipapasang batas upang gawing ilegal ang diskriminasyon. Patuloy pa ring hinaharang sa Diet ang pagpasa ng naibalangkas nang panukalang batas laban sa diskriminasyon.

    Alamin ang karapatan, huwag maging biktima!

     

    • Post Points: 22
  • 07-24-2008 10:21 AM In reply to

    • jurusu
    • Top 50 Contributor
      Male
    • Joined on 12-16-2007
    • Quezon City sa Roces
    • Posts 394
    • Points 6,023

    Re: Do Japanese society/people dislikes/hate gaijins esp filipinos in GENERAL???

     Hindi sa kinakampihan ko ang Japan pero hindi maganda at nararapat sa isang dayuhan pati na ang isang Pilipino na mamalagi sa isang banyagang bansa taliwas sa sinasaad ng visa. Kung ganon din lang pala ay bakit pa tayo nagaaksaya ng panahon pumunta sa Japan Embassy para mapahaba ang ating mga visa. May intensyon mang kriminal o wala, ang pagsuway sa isinasaad ng visa ay isang malinaw na halimbawa nang hindi mo pagkilala sa mga alituntunin ng isang bansa gaya ng Hapon. Gayundin ang mga Hapon o Koreano o kunsino pa man na sumuway sa alintuntunin ng Pilipinas, ay nararapat lamang na lapatan ng kaukulang parusa gaya ng pagpapauwi sa kani kanilang bansa sa tamang paraan.

    Ang lubos na bumabagabag sa akin ay sa anong paraan ba lumabag ang bansang hapon ukol sa karapatang pantao ng mga nag overstay nang walang kaukulang visa? "from fujiringo-san...(pinapalayas pa rin sila nang walang consideration sa human rights nila...)" Sa tingin ko ay mahirap unawain ng isang hindi konserbatibong bansa gaya ng Pilipinas ang mga saloobin, pag-iisip at kultura ng isang napaka konserbatibong bansa gaya ng Hapon.  

    Ako rin ay para sa karapatang pantao at patuloy kong ikukundina ang mga kamalian at paglabag ukol sa karapatang pantao. 

     Ang mga usapin patungkol sa pagbigay ng refugee status sa aking palagay ay ibang isyu na dapat talakayin sa mas malalim na forum. Iba-iba kasi tayo ng kultura at hindi maaring itugma ang kultura ng isang bansa sa isa pang bansa. (Ang aking tatay ay nagtrabaho sa isang Vietnamese refugee camp para umalalay at gumabay sa mga refugees sa ilalim ng pamamalakad ng bansang Amerika kung kaya't higit kong nararamdaman ang mga saloobin ng isang refugee.)

     Ako ay sumasangayon sa pagprotekta ng karapatang pantao ng isang dayuhan laban sa diskriminasyon.

    ...my two cents... 

    • Post Points: 5
Page 2 of 2 (30 items) < Previous 1 2

Copyright Japinoy.com, 2006-2008. All rights reserved. Terms of Service.
Powered by Community Server (Commercial Edition), by Telligent Systems