Ang kalendaryo ay isa sa pinaka-importanteng bagay sa buhay ng tao. Ito ang ating tinitignan upang pagplanuhan ang ating mga araw-araw na gawain. Meron nitong mahal tulad ng novelty calendars, meron din naman libre tulad ng nakukuha sa Mercury Drug. Meron nitong Gregorian, Julian, Chinese, atbp. Meron nitong malaki at maliit. Madaming klaseng. Subalit ano pa man ang kalendaryong iyong gamit, walang duda, hindi ka pwedeng mabuhay ng wala ito.
Kaya naman dapat meron din tayo nito sa Japinoy.com para mabigyan ng anunsyo ang mga petsang kailangan matandaan ng mga miyembro. Nandyan ang mga kaarawan ng mga miyembro, Japanese-related events tulad ng events ng Japan foundation at mga Philippine at Japanese holidays.
Para sa inyung mga kaarawan na naka-save na sa inyong profile, paki-save po lamang uli ang inyong profile. Click lang ang save na walang binabago. Dun sa mga hindi naka-enable ang birthdays, nawa'y maki-join na rin kayo. It's fun, you know.
Sa susunod, makikita nyo na rin ang mga kaarawan ng mga paborito ninyong mga artista sa kalendaryo.
I-edit ko pala ang mga post ninyo sa ibang events para makita ito sa kalendaryo.
Marami pong salamat sa pagbasa ng aking madramang post. Ingats!
-
Abusive post? Tell us! It's confidential.
Click me.-Signatures are automatically re-sized to 350px X 100px. This includes both image and letters. Kindly adjust your sigs. Domo.