jurusu:Hehehehehe. yan ba yung class na kapitbahay namen hehehe.
Sikretong malupet! Hehe. Anyway, may nagsabi sa akin na sensei na "kibishii" daw ako. Actually, di naman lahat ng oras, dapat mabait ka sa estudyante, at di lahat ng oras, dapat mahigpit. Balance lang. As teacher, mapapansin mo naman kung kelan dapat
gamitan ng dahas maghigpit, kelan lenient lang. Hehe. Ayun, tingin ko naman nagwork kahit papaano ang pagiging kibishii ko. Siguro may fault din ako kahit paano. I was looking for a student like me. Nung estudyante ako, nerd na kung nerd. Pero bago pa man ang first day ng Nihongo class, nakakabasa na ako ng Hiragana. Inaral ko kasi mag-isa yung materials na binigay nila nung nag-enrol ako. Yung ibang estudyante ko ngayon, parang kulang sa motivation. Parang di sila sure kung ano ang gusto nilang gawin talaga sa Nihongo.
Oh, well..makikiramdam lang muna ako. I'll just adjust my teaching style depending on the situations.
jurusu:Kaya magingat po tayong lahat. Kapag may mga ganitong eksena sa mga pampublikong sakayan ay maging alerto at huwag magpalinlang.
Meron pang isang version nyan. Kunwari, may maglalaglag ng maraming barya. Tapos syempre lahat ng tao parang mapapatingin sa kung saan saan. Tapos may isang target sila na hahawakan din nila ang paa, kunwari inaabot ang mga barya sa isang paa. Muntik na mabiktima ang tatay ko nito, pero nakahawak sya sa bulsa nya. Naramdaman nya na may parang dumudukot sa bulsa nya, pero buti wala naman nakuha. Nagsalita lang sya ng malakas -- sinabi nyang 'alam ko ang modus operandi nyo, mga huda$ kayo'. Sabay baba ng bus ang mga kawatan.

Find Jdorama threads quickly with the Jdorama Index! Click
HERE.