View Full Version : NDS accessories
Maneki Neko
05-29-2009, 05:35 PM
What accessories do you have for your DS/DSi consoles?
Mine are:
Padded carrying pouch
Pencil-sized stylus - yung Mario na nakuha ko sa gachapon, hehe. Ayoko kasing ginagamit yung DS stylus, masyadong mapayat
Earphones - wala kasing kasamang earphones sa box
Wrist strap - wala rin kasamang strap sa box kaya hiningi ko yung isang strap ng Wii ni Wigent-san
Crystal case - pero di ko na ginagamit, bulky kasi e. Bumibigat ang DS dahil sa kanya.
spitz
05-30-2009, 07:45 AM
^ hmmm accessory... dati yung cheepcheep ba un? ung isda sa mario, thanks to Maneki Neko-san! Kaso nawala siya nung kapatid ko T______T pero nasa akin pa yung cheep-cheep haha! ah may wrist strap din special thanks to KFC haha. Yun lang.., earphones/headphones, depende sino gumagamit at saan ginagamit ung DS. considered bang accessory yung screen protector? Ayun meron din. Saka scotch tape, para dun sa sirang hinge, LOL
Maneki Neko
05-30-2009, 11:57 PM
^ Ay oo nga pala, accessory din naman ang screen protector. Hehe. Cheep cheep nga pala yung tawag dun! Cheep Cheep Beach sa Mario Kart, hehe.
spitz
05-31-2009, 12:05 AM
mga epal na isda yun, ang lalaki nilang harang sa daan XD
Pero wala pa kong ibang nakikitang may SCOTCH TAPE accessory XD haha
Maneki Neko
05-31-2009, 01:22 AM
^Scotch tape: IKaw lang ata ang merong ganung accessory!! Mahal ata yan ah, kaya walang masyadong may ganyan, hehehe.
hirodayuy
05-31-2009, 12:38 PM
haha bagung accessory ba yun? scotch tape accessory? XD san banda nilalagay un sa DS?
halus magkaparehas lng tyu ng accessory Maneki Neko-san hehe. iniisip ko my mga accessory ang DS lite na nilalgay sa game boy slot katulad ng Guitar Hero guitar, so hindi n pwede yun sa DSi kasi wla na game boy slot hmm pnu kya un, bka my ilalabas na bagu.
spitz
06-01-2009, 03:34 AM
^ Ay onga no, di ko naisip yun.. O_O haha! awww di pala pwede mag GH sa DSi... that's sad... Scotch Tape accessory? Nung nalaspag yung screen protector ng DS namin, tinanggal ko tapos papalitan ko sana, kaso! wala kong nakitang ipapalit, so ayun, nagscotchtape nalang kaming screen. JOKE! DS murdered yun! hehe, dun sa may hinge namin nilagay XD
^^nako di naman ganun kamahal yung scotch tape. Abundant naman tayo sa accessory na yan. Yung akin sa National Bookstore ko nabili. In case interesado din kayo XD
hirodayuy
06-01-2009, 10:27 AM
sad nga, huhu maraming mga accessory na pangDS lite na nilalagay sa game boy slot, kya hindi n tlga pwede sa DSi ung mga yun.
haha anu b yun naging scotch tape ung screen protector xD peru ang galing mo magisip pwede! haha murang mura p nman ang scotch tape.
Maneki Neko
06-01-2009, 03:26 PM
Spitz-san: Bili ka na lang sa Japan Home/Daiso ng screen protector. 2 sheets na ang kasama dun, tapos P88 lang. ^_^
halus magkaparehas lng tyu ng accessory Maneki Neko-san hehe. iniisip ko my mga accessory ang DS lite na nilalgay sa game boy slot katulad ng Guitar Hero guitar, so hindi n pwede yun sa DSi kasi wla na game boy slot hmm pnu kya un, bka my ilalabas na bagu. Pwede. Yun din pala ang medyo nakakainis sa DSi no, di masyadong compatible sa ibang DS accessories.
Type ko ata maglagay ng GMask para sa DS ko. Kaso iniisip ko pa anong OK na design eh. ^_^
hirodayuy
06-01-2009, 05:18 PM
@spitz-san: ayun pla eh may mura pla e hahah bili ka na, wag ka ng mag Nintendo DS Lite Scotch Tape accessory xD
@Maneki Neko-san: oo nga eh di na masyadu compatible sa mga ibang accessory ng DS Lite panu kaya ggwin nila dun, as of now wla pa ko nkikitang mga ibang accessory ng DSi. waw anu yang GMask?
Maneki Neko
06-01-2009, 06:18 PM
^ Decorative protective cover ang GMask. Meron nito sa malls. Pang mga gadgets sya. Pinalagyan ko yung cellphone ko, pero transparent lang kasi di makikita ang design. Kung papalagyan ko yung DS ko, di ko na kailangan ilagay lagi sa pouch, kasi may protection na sya sa dumi, scratches, etc. Medyo mahal lang. One layer daw sa DS ay P750 ata, pero sabi nung babae sa GMask, dapat daw 2 layers para makita ang design. Duh, pink naman yung DS ko, bakit di makikita ang design.
hirodayuy
06-01-2009, 06:40 PM
waw! pwede rin cguru palagyan ung DSi nu? may sample pic ka ba nyan? hehe hindi ko p rin maimagine heheh
Maneki Neko
06-01-2009, 08:28 PM
^ Yung GMask? Wala akong pic eh. Pero imagine mo na lang sya na parang plastic cover na may design. Pwede rin yung transparent lang. www.gmask.com.ph (http://www.gmask.com.ph) ata ang website nila. Bale may dikit yung kabilang side, para syempre dumikit sa gadget mo. Pero madali lang din alisin pag ayaw mo na nung design or gusto m na ng iba.
hirodayuy
06-01-2009, 09:41 PM
ahh ayun ayun kita ko na hehe ang gnda! pangdesign tlga.
Maneki Neko
06-01-2009, 09:56 PM
Di lahat ng designs nasa website nila. Magaganda pa yung nakita ko mismo sa stall nila. Meron nga dun geisha, astig, yun sana ang gusto ko para sa DS ko.
hirodayuy
06-01-2009, 11:26 PM
waw! hehe ttry ko tumingin ng gmask hehe sana my mga astig na design.
Maneki Neko
06-01-2009, 11:53 PM
^ Meron yung mga bungo bungo. Hehe, parang emo. Meron din silang Swarovski, kung type mo gawing Paris Hilton ang DSi mo!!
spitz
06-02-2009, 03:47 AM
@maneki neko-san & hiro-san: Nako naman! Joke lang yung scotch tape sa screen! That's murder! O_O Dun lang talaga sa hinge may scotch tape hehe
Di ko naisip pa gmask yung DS ko, ang gusto ko sana dati, laptop ko ung palagyan ko, hehe
Jam_Kuradoberi
06-02-2009, 04:16 AM
Hmm... Strap, a little doll, at stylus lang accessories ko for my ds. X3 A retractable stylus btw, though hindi ko alam kung bakit kelangang magretract so balik ako sa normal stylus. XD
hirodayuy
06-02-2009, 12:34 PM
@Maneki Neko-san: waw! paris hilton? hahaha anu p merun? xD
@spitz-san: ngyeeee! peru merun p rin scotch tape khit sa hinge lng heheh.
@Jam_Kuroberi-san: waw hehe bili ka pa ng mrami accessory.
Jam_Kuradoberi
06-02-2009, 02:18 PM
@hirodayuy-san I'm keeping the black look kasi ng ds ko. XD Wala lang, cool kasi tignan. But I am thinking sa stylus. Pag may nahanap akong babagay na stylus, kukunin ko yun. XD
Solid Gold stylus, yah. Bling. XD
Maneki Neko
06-02-2009, 03:23 PM
@maneki neko-san & hiro-san: Nako naman! Joke lang yung scotch tape sa screen! That's murder! O_O Dun lang talaga sa hinge may scotch tape hehe Napaisip din ako nung sinabi mo eh...kasi parang...yari yari ang screen mo!
Di ko naisip pa gmask yung DS ko, ang gusto ko sana dati, laptop ko ung palagyan ko, hehe Medyo mahal din kasi ang Gmask. Yung transparent nga lang na 1 layer, P750 ata inabot ko sa cellphone ko.
A retractable stylus btw, though hindi ko alam kung bakit kelangang magretract so balik ako sa normal stylus. XD Haha, nakakatuwa naman yung retractable stylus. Pero yun nga...di naman kailangan siguro kasi di naman bulky yung regular DS stylus.
@Maneki Neko-san: waw! paris hilton? hahaha anu p merun? xD Ano ba, papatulan mo talaga yung Paris Hilton ha! Pero in fairness, magaganda ung designs nila. Syempre, mas mahal na yun kesa sa mask.
spitz
06-03-2009, 03:27 AM
@maneki neko-san: Yari talaga. Murder nga sabi ko. Hehe, kawawang DS. Pag may nakita kong DS na ganun, baka iyakan ko! haha! Yung sa gmask kasi, sa laptop ko unang narinig. kinwento sa akin nung kapatid ko kaya yun ung naisip ko noon na gusto ko palagyan (kung maraming pera) hehe!
sanctuarius
06-03-2009, 09:06 AM
gusto ko rin ng gold stylus! hehehe san meron nun?
gamit ko ngayon yung retractable na stylus. okay sya kasi naliliitan ako sa normal stylus, parang di makapagpahinga yung dulo ng stylus sa kamay ko (basta yun na yun)
chakumachan
06-03-2009, 11:10 AM
screen protector, string doll at neck strap lang accessory nun ds ko..
tinanggal ko na yung crystal case dahil bumibigat at kumakapal yung ds.. x3
pero gusto ko bumili nung water proof na pouch for ds.. php600 yung damage if i'm not mistaken.. >__<
Maneki Neko
06-03-2009, 03:05 PM
gamit ko ngayon yung retractable na stylus. okay sya kasi naliliitan ako sa normal stylus, parang di makapagpahinga yung dulo ng stylus sa kamay ko (basta yun na yun) Yung retractable stylus ba yung parang pencil ang taba, pero same length as the regular stylus?
tinanggal ko na yung crystal case dahil bumibigat at kumakapal yung ds.. x3 Nairita rin ako sa crystal case ko. Ayun, nakatambak na lang!
Meron akong gustong bilhin na DS pouch, Super Mario ang design. OK sana, kaso walang lalagyan ng game cards, extra stylus, earphones. Yung pouch ko ngayon, daming pwedeng ilagay.
Jam_Kuradoberi
06-03-2009, 03:18 PM
Gmask? Type ko ding magpa-gmask. Advantage lang kasi dun pwede kang magdesign tapos bigay mo sa kanila. ^^ Kaya lang dala mo na ata forever yun, kaya dapat gandahan mo design mo. XD
Maneki Neko
06-03-2009, 03:40 PM
^ Pwede ata alisin yung Gmask, tapos walang residue. Yun kasi yung nangyayari sa cellphone ko eh, hehe. Di magaling yung gumawa!
Anyway, pwede pala own design?? OK yun ha!
Jam_Kuradoberi
06-03-2009, 03:59 PM
Yup, pwede own design. Kaya ako na-engganyo. Pero natatanggal pala yun, parang napaisip ako lalo dun ah. XD
Maneki Neko
06-03-2009, 04:11 PM
Depende lang siguro dun sa gagawa. Yung akin kasi, medyo natutuklap yung nasa gilid ng phone ko. Yung sa part na madalas hawakan. Yung unang phone ko naman, tumagal naman yung Gmask nya eh.
sanctuarius
06-03-2009, 06:40 PM
Yung retractable stylus ba yung parang pencil ang taba, pero same length as the regular stylus?
di naman kasing taba ng pencil, kasya pa rin sya sa stylus slot ng DS. tapos humahaba sya ng mga 30% more
Maneki Neko
06-03-2009, 07:14 PM
^ Ah OK. Di ko kasi masyadong type yung regular stylus kasi ang nipis nipis nya. Mas masaya mag-Ouendan at mag-Kanji games pag kasing taba pencil yung stylus eh.
spitz
06-04-2009, 12:39 AM
^ wah onga, namiss ko tuloy yung cheep cheep stylus. San pa ba may gashapon na DS stylus dito? Nung una nakakapanibago yung matabang stylus, pero once you get used to it, di hamak na mas masaya at mas comfortable gamitin XD
sanctuarius
06-04-2009, 09:20 AM
^ wah onga, namiss ko tuloy yung cheep cheep stylus. San pa ba may gashapon na DS stylus dito? Nung una nakakapanibago yung matabang stylus, pero once you get used to it, di hamak na mas masaya at mas comfortable gamitin XD
ano yung gashapon stylus? yung ba yung biggie stylus na sinasabi ni neko-san? san meron nun? toy kingdom din?
Jam_Kuradoberi
06-04-2009, 11:17 AM
Pokemon lang ang gashapon stylus na nakita ko. Sa Toy Kingdom mega yun, tapos meron din sa Best Toys sa greenhills Virramall.
Di ko lang alam kung meron pa. ^^
Maneki Neko
06-04-2009, 03:25 PM
^ wah onga, namiss ko tuloy yung cheep cheep stylus. San pa ba may gashapon na DS stylus dito? Nung una nakakapanibago yung matabang stylus, pero once you get used to it, di hamak na mas masaya at mas comfortable gamitin XD Bakit, asan na ang Cheep Cheep mo?
Sa labas ng Toy Kingdom, merong mga gashapon stations. Yung kay spitz-san, galing sa Kids Station sa Glorietta. Meron din sa Toys R Us sa Robinsons Ermita. Grabe yung gashapon nila...ginawa nilang pader sa dami!
hirodayuy
06-04-2009, 03:41 PM
hehe d aku makarelate sa mga type ng stylus xD noob p ko heheh.
Maneki Neko
06-04-2009, 03:44 PM
^ Bumili ka ng stylus, dun sa mga nagtitinda ng gashapon. Ako mula ng magkaroon ng stylus na ganun, di ko na ginagamit yung regular DS stylus. Ayoko rin kasi na lagi syang inaalis dun sa slot nya, kasi parang lumuluwag. Lagi na naaalis.
Ayos din yung pouch ko, kasi may parang narrow na pocket para sa stylus na kasyang kasya yung fatty stylus ko. May pockets din for 2 games. Tapos padded para protektado ng husto si DS.
sanctuarius
06-04-2009, 04:56 PM
hmmm onga, kung mag fafatty stylus ako wala akong paglalagyan, naka eva pouch ako ngayon eh...pag isipan ko muna hehe
Maneki Neko
06-04-2009, 05:07 PM
Nakakatawa yung tawag: fatty stylus talaga!!
spitz
06-05-2009, 04:08 AM
Bakit, asan na ang Cheep Cheep mo? nawala po mismo ung stylus.. ung nasa tuktok na lang, yung cheep cheep bali yung naiwan... T___T Alam niyo po ba kung meron pa rin nung DS stylus na mario sa may Kids Station sa Glorietta? baka dumaan ako dun sa sunday..
Gusto ko ng fatty stylus! XD
Maneki Neko
06-05-2009, 04:10 AM
^ Waaah...ang saklap naman...not sure kung meron pa rin sila dun. Pero try mo na rin dumaan ng SM Toy Kingdom kung wala na sa Kids Station. Good luck!
spitz
06-05-2009, 04:38 AM
saklap talaga T_T ang cute cute pa man din niya.. SM Makati? or sige, tignan ko na lang sa lahat ng Toy Kingdom na madaanan ko haha, Sige, thanks XD
hirodayuy
06-05-2009, 09:49 AM
prng wla pa kong nakikitang mga types ng stylus ah prang mga normal lng lgi ko nakikita ngek!
Maneki Neko
06-05-2009, 07:51 PM
Tsamba lang yung pagkakakita ko nung fatty na Mario. Tumitingin lang sa mga gashapon, tapos meron palang mga DS stuff dun. Pati nga yung maliliit na cases for your games, meron din. Mario din ang design. Pero 1 game, 1 case lang. At least di ka na magdadala ng mga CD cases kung sakaling marami kang games.
Yun ay kung bumibili ka ng orig, hehehe.
Marinakoko17
06-05-2009, 08:07 PM
Hindi ako masyado sa mga accessories, pero meron akong:
- Lace
- Palkia & Dialga placeable Mod
- NDS Lite Pouch (Sayang, gusto ung SOS Dan version ng Pouch D: )
hirodayuy
06-06-2009, 05:08 PM
@Maneki Neko-san: anu yung gashapon?
@Marinakoko17-san: waw! merung SOS Dan version ng pouch? ang astig naman nun hehe.
Marinakoko17
06-06-2009, 07:38 PM
@Maneki Neko-san: anu yung gashapon?
@Marinakoko17-san: waw! merung SOS Dan version ng pouch? ang astig naman nun hehe.
Uu, available lang ung pag binili lang ung "Suzumiya Haruhi no Chokuretsu [Chou SOS Dan Dannin Collection]
Kaso, hindi ko kayang bilhin kasi credit card or paypal ang kailangan D:
Gusto ko tuloy ng Character Sticker para sa NDS.
hirodayuy
06-06-2009, 08:23 PM
waw! hehe gusto ko nun! mas astig ung mga accessories na ganun hehe.
Maneki Neko
06-06-2009, 11:41 PM
Gashapon yung capsule toy! Kala ko ba otaku ka ha, hehehe.
Jam_Kuradoberi
06-07-2009, 12:33 AM
Kung magkakastylus man ako from gashapons, gusto ko si wario. :(
XD
Cosplay ko kaya yun minsan... XD
Maneki Neko
06-07-2009, 12:40 AM
^ Ang kulit mo, Jam-san!! Siguradong pupunta ako kung magcosplay ka nun! Hehe. Pero wala pa akong nakitang Wario. Yung sa akin nga, shell lang nung pagong eh. Mas cute yung kay Spitz-san.
Jam_Kuradoberi
06-07-2009, 01:08 AM
Hahaha! Okay lang, idol ko yun si wario eh. XD
Pero wala akong nakikitang wario na stylus. :( Kahit level up mushroom wala. :(
Maneki Neko
06-07-2009, 01:49 AM
^ Yung basic design lang ata ang meron e, pati mushroom, ordinary lang. Maski yung mga keychains ng Mario.
sanctuarius
06-08-2009, 05:19 PM
uy san meron nung fatty stylus na nagiging bolpen din? para isahan na lang - one stylus to rule them all (nds, palm pilot, celpon)
Maneki Neko
06-08-2009, 05:34 PM
^ Meron kaya nyan talaga? Yung fatty ko ay galing lang sa gashapon eh. Di ko pa naman nagamit yun for anything else other than the DS, hehe.
sanctuarius
06-08-2009, 05:45 PM
meron. ganito itsura nya: http://www.extremepda.com/4IN1STYLUSPEN.html
meron na ko dati nyan eh, nawala ko lang..
Maneki Neko
06-08-2009, 06:12 PM
Wow, ang ganda! Versatile nga...pero ang sakit at nawala. Saan mo nabili?
PS: Sorry, di nakasagot sa text. Tulog pa ako ng mga panahong yun eh!!
sanctuarius
06-09-2009, 05:58 PM
saan pa ba may gashapon aside sa toytown?
Maneki Neko
06-09-2009, 06:03 PM
^ Sa Toys R Us, Kidstown (Glorietta), Toy Kingdom. Meron din sa ilang mga Comic Alley, pero di ganun karami eh.
sanctuarius
06-09-2009, 06:07 PM
lahat ba ng gashapon may fatty stylus? ehehe
Maneki Neko
06-09-2009, 06:42 PM
^ Naku hindi lahat. Ang laging meron ay yung maliit na case na pwedeng lagyan ng game. Yung stylus, sa SM Makati Toy Kingdom at Glorietta Kidstation pa lang ako nakakita. Hanap kita pag nadaan ako dun, gusto mo, hehe.
sanctuarius
06-10-2009, 01:19 PM
ay di na hassle pa. try ko muna GH hehe
Maneki Neko
06-10-2009, 05:23 PM
^ Hehe, sige. Kanina sa nadaanan kong Comic Alley, wala nito eh. 6 lang naman ang capsule station nila. :P
hirodayuy
06-19-2009, 10:35 AM
anu ba ang the best shock absorber na protection para sa DS? para in case na mabagsak eh buhay pa rin hehe.
Maneki Neko
06-19-2009, 03:09 PM
^ Ano ba yun? Sabagay an ounce of prevention is still an ounce. Try mo kaya silicon case, yung medyo makapal. Tapos bili ka ng wrist strap na may lock na parang sa Wii, ganun yung sa kin eh, para sure na hindi malalaglag.
sanctuarius
06-19-2009, 03:14 PM
yup same here. pero crystal case yung akin tapos wrist strap tapos fake evo bag
Maneki Neko
06-19-2009, 09:31 PM
Ang bigat kasi pag may crystal case eh, hehe. Parang fatty na yung DS ko pag meron sya.
hirodayuy
06-20-2009, 06:24 PM
waw san nabibili yung strap na katulad ng sa wii? hmm nakacrystal case yung sa kin, feeling ko kasi pagwala nun eh ang liit liit ng DSi at madaling masira xD
sanctuarius
06-20-2009, 07:20 PM
yung hand strap ko kasama sa package nung binili ko DS eh.
uy neko-san, pumunta kami toy kingdom mega mall, sa dinami daming gashapon dun, ni isa walang stylus :(( pag ako nainis, oorderin ko yung online hehehe
Maneki Neko
06-20-2009, 11:53 PM
^ Meron nga online, isang set, hehe. Try mo sa Glorietta.
sanctuarius
06-22-2009, 01:02 PM
sige try namin kung at kung mapunta kami dun hehe
Maneki Neko
06-22-2009, 04:19 PM
^ Di ko pa natry sa Toys R Us sa Robinsons pero sila ang pnakamaraming capsule machines...parang pader sa dami!
sanctuarius
06-22-2009, 05:03 PM
rob galle? mas marami pa sa toy kingdom gamol? *** dami nung sa gamol eh buong section talaga pang gashapon lang
Maneki Neko
06-22-2009, 05:10 PM
^ Nope, Rob sa Ermita. Di ko pa nakita yung sa Galleria, kasi di ako madalas dun eh! Pero sa Ermita, halos gawin nilang wall yung dami ng gashapon nila.
Maneki Neko
07-27-2009, 07:12 PM
Salamat kay sanctuarius-san at meron na akong USB cable charger para sa DS ko!!
Maneki Neko
07-28-2009, 11:23 PM
Tumambay ako last week sa Gmask sa Gateway. Andaming cute na designs. Nung huli kong punta dun, di pa nila alam kung ano ang DS >_< Ngayon, ang DS single layer daw ay nasa 2000++. Pag double layer, syempre mas mahal. Naisip ko na magpagawa ng GMask para sa DS ko; hahanap lang ako ng magandang design -- tsaka ng oras. Ayoko iwan ang DS ko sa kanila eh, gusto ko nakabantay ako.
Maneki Neko
07-29-2009, 06:08 PM
Nagamit ko na yung USB cable na charger. In fairness, magaling! Parang sandali lang sya nakasaksak sa PC ko, wala pang 15 minutes siguro, tapos green na agad yung battery. ^___^
spitz
07-30-2009, 10:12 PM
waw... eh gaano naman katagal ung batt life? ganun pa rin?
Maneki Neko
07-30-2009, 10:15 PM
Syempre di ko na natapos sa pagcharge, so hindi sya fully charged ngayon. Hehe. Sa susunod, oorasan ko yung charge time tsaka kung ilang araw ang itatagal nya. Feeling ko same lang din ang karga nya.
Maneki Neko
08-08-2009, 11:40 PM
I have a new DS cover!! Yung parang snap on lang sya. Tapos si Jello Kitty ang design. Bigay ng co-teachers ko para sa haberdey ko :D Kaya pala tinatanong kung may DS ako, harhar. Ang kyot kyot. Gamit ko na nga eh. Balak ko pa sana magpalagay ng GMask, buti di natuloy kasi cute naman yung Hello Kitty ko.
Maneki Neko
08-28-2009, 07:21 PM
May problema pala ng konti sa snap-on cover ko...mahirap pindutin yung L and R na nasa corner. Ano bang tawag dun? Medyo sumasangga sa cover pag pinipindot. Keri lang naman, pero minsan nagkakamali ako sa laro dahil dun.
sanctuarius
08-28-2009, 07:26 PM
kaya dapat alumor na lang!
Maneki Neko
08-28-2009, 07:31 PM
^ Eh gusto ko KYOT ang design eh, hehe.
Arzenator
08-28-2009, 08:01 PM
May alam po ba kayo kung saan ako makakabili ng murang NDS accesories?
Maneki Neko
08-28-2009, 08:10 PM
^ Anong klase ba? Sa mga malilit na shops sa mall, marami. Yung sa Cyberzone sa Megamall, dumadami na rin mga DS accessories like silicon skin, cases/pouch. Marami din akong nakikitang magaganda sa Ebay.
Arzenator
08-28-2009, 08:21 PM
May mga scratches na kasi yung screen ng DS ko eh. Sabi ni jam san may nabibili daw na spare na ganun. Magkano kaya yun?
Maneki Neko
08-28-2009, 08:27 PM
^ Waa, ang sakit naman nun. Not sure kung mapapalitan talaga yung screen, pero hintayin natin magreply si Jam-san. Yung sa akin kasi, nilagyan ko ng screen protector, sa Japan Home ko lang binili.
Arzenator
08-28-2009, 08:38 PM
Magkano po sa japan home yung skin protector?
Maneki Neko
08-28-2009, 08:43 PM
P88 lang, 2 sheets na yon. One for each screen.
hirodayuy
08-28-2009, 10:42 PM
may gasgas na rin ung screen protector ko. pwede rin ba na pangDSi ung nbibili sa japan home? tumingin kasi ko sa trinoma 300+ ung skin protector ng DSi ngeeek!
Maneki Neko
08-28-2009, 11:13 PM
^ Same ba ang size ng screen ang DS at DSi? Kasi kung same lang, pwede mo rin gamitin yun.
hirodayuy
08-29-2009, 12:49 PM
nope hindi same size eh medyo malaki yung size ng DSi yung mga nakikita ko na screen protector may mga nakalagay na sign na compatible with nintendo DSi peru yun nga ung 300+ ngek masyadu mahal.
jurusu
08-29-2009, 05:10 PM
^ Same ba ang size ng screen ang DS at DSi? Kasi kung same lang, pwede mo rin gamitin yun.
Kung tama ang aking pagkakaalala, lamang ng 0.25'' ang screen size ng DSi sa DS lite.
---------- Post added at 05:10 PM ---------- Previous post was at 04:57 PM ----------
Nakita ko lang sa mall ito. Kaaliw. yung pic guitar na stylus pa....
http://gizmodo.com/assets/resources/2008/03/ghds2.jpg
spitz
08-29-2009, 05:17 PM
@hiro-san: Edi gamitin mo yung pang DS haha, di mo nga lang macocover yung entire screen XD
lol di ko na alam kung nakakailang palit na kami ng screen protector haha!
^nasubukan ko na siya, hehe masaya naman XD
jurusu
08-29-2009, 10:23 PM
Nakabili ako sa SM The Block Toy Kingdom ng Mario Stylus. Konti na lang ang available at dalawang designs na lang. Yung Fish saka yung kalaban na cloud.
50 petot lang po. Bili na kayo daliiiiiiiiiii madaling maubos!!!
http://hkdragonboy.netfirms.com/ebayphoto/mariostylusII/mariostylusII02.jpg
Ganito yung nabili ko kaya lang iba yung design. 50petot lang hehehehe...
Maneki Neko
08-29-2009, 11:46 PM
Jurusu-san, nilipat ko dito ha :)
So di na available yung Goompa tsaka si Toad? Gusto ko sana bilhin yon eh.
Maneki Neko
08-30-2009, 12:41 AM
nope hindi same size eh medyo malaki yung size ng DSi yung mga nakikita ko na screen protector may mga nakalagay na sign na compatible with nintendo DSi peru yun nga ung 300+ ngek masyadu mahal. E di mag-invest ka na rin dun sa 300+. Di madaling magasgas yon e so hindi mo kailangan palitan lagi. Yung sa Japan Home, mabilis lang magasgas. Ilang laro lang ng Ouendan, puro bakat ng bilog agad ang screen! :D
hirodayuy
08-30-2009, 01:27 AM
@jurusu-san: yung guitar na yan eh hindi na pwede sa DSi pano kya yan haha.
@spitz-san: haha adik ka XD bigyan mo n lng ako screen protector gift for xmas haha ung 300+ ha hahaha XD
@Maneki Neko-san: sure naman kaya na hindi magagasgas kagad un hmm. kilala mo si kat-san ung klasmeyt ko sa nihongo di ba? never pa daw siya ngpalit ng screen protector 2 yrs na ung ds lite nya ngek! baka original ung screen protector nya.
Maneki Neko
08-30-2009, 01:34 AM
^ Yon, baka magandang quality nga nung protector nya. Sabi rin ni maakusutipen-san dati, ganun din yung kanya. Walang palit palit.
Weee. Bumili ka na lang ng DS! :P
spitz
08-30-2009, 05:31 AM
@hiro-san: or baka di masyadong gamit yung screen ng DS niya. Sa amin kasi, walang pahinga yung DS haha. xmas gift? model kit ko asan? XD
@jurusu-san: Iniinggit mo daw si hiro-san, di daw niya magagamit yung guitar hero kahit na meron siya hahaha
spitz
08-30-2009, 06:02 AM
^ i will buy later! Hahaha!
jurusu
08-30-2009, 06:17 AM
^ i will buy later! Hahaha!
Bilisan mo madaling maubos hahahahaa..
Ang maganda pa nito, parang licensed pa ng Nintendo kaya hindi fake.
---------- Post added at 06:17 AM ---------- Previous post was at 06:08 AM ----------
http://ecx.images-amazon.com/images/I/51nwXcwWW4L._AA280_.jpg
Spitz-san, eto na lang ang available designs sa SM. Yung fish saka yung kalaban na kulay puti.
Yung binili ko eh yung nasa gitna hehehee...
spitz
08-30-2009, 06:22 AM
ahhh, akala ko binili mo yung tatlo, hahaha! ang cute nung 1up mushroom >_< pag gusto ko naman palitan ng design, nasa akin pa yung cheep cheep haha XD
hirodayuy
08-30-2009, 12:03 PM
@jurusu-san: huwaw! at talagang nakahanap ka pa ng gnyan haha DS na DS na tyu haha mabubulok na psp natin haha XD malaki b yang stylus n yan? pra tuloy gusto ko punta sm kasu tintamad ako hahaha.
@spitz-san: bibili ka mamaya? punta tyu hahah
@Maneki Neko-san: waw mukang ganung protector na nga lang bibilhin ko kesa naman magpapalit palit ako ng 88 pesos na proctector lagi aabot rin ng 300+ pgngkaganun haha.
jurusu
08-30-2009, 01:18 PM
@jurusu-san: huwaw! at talagang nakahanap ka pa ng gnyan haha DS na DS na tyu haha mabubulok na psp natin haha XD malaki b yang stylus n yan? pra tuloy gusto ko punta sm kasu tintamad ako hahaha.
@spitz-san: bibili ka mamaya? punta tyu hahah
@Maneki Neko-san: waw mukang ganung protector na nga lang bibilhin ko kesa naman magpapalit palit ako ng 88 pesos na proctector lagi aabot rin ng 300+ pgngkaganun haha.
Yung psp ko sobrang kintab pa walang ka gasgas gasgas pero di ko na nilalaro wahahahaha.
Mataba yung stylus at mas maganda ang response sa DS ko.
May binebenta sa SM na 400 pesos na Mario stylus. Yun yung may spring para pag napadiin ang gamit mo hindi masisira ang bottom screen mo.
Feeling ko rin, mas round yung dulo ng stylus na nabili ko kesa sa orig na ds stylus kaya hindi masyado nakakagasgas hehehee.
hirodayuy
08-30-2009, 09:38 PM
ako rin wla pang gasgas psp hahah lagi asa pouch e hahaha.
hmm astig rin pla yung stylus na yun kasu ang mahal 400 pesos hehe.
Arzenator
08-30-2009, 11:32 PM
Waaa! may gasgas na ung screen ng DS ko! Matatangal pa kaya yun?
hirodayuy
08-31-2009, 12:07 PM
gasgas? as in dun mismu sa screen? hindi screen protector?
Arzenator
08-31-2009, 03:39 PM
Dun po mismo sa screen Medyo mild lang naman pero dyahe tignan. Matatangal pa kaya yun?
Maneki Neko
08-31-2009, 10:11 PM
^ Feeling ko hindi na. Pero tingin ko lang naman yon. Kaya bago lumala, lagyan mo na ng screen protector.
Jurusu-san, yung For Sale post mo, nilagay ko sa Buy and Sell. Di kasi pwede dito eh.
hirodayuy
09-01-2009, 09:44 PM
ack mahirap pla pagnagasgas mismu ung screen ng DS wah
waw anu ung binebenta ni jurusu-san? hehe.
Maneki Neko
09-01-2009, 09:47 PM
^ Ay tignan mo sa Marketplace, yung DS stylus na Mario. Nilipat ko dun.
hirodayuy
09-01-2009, 10:00 PM
aaa oo nkita ko n ata un hehe. di pa ko bumibili ng kahit anong accessories na pangDS hehe.
jurusu
09-01-2009, 10:11 PM
Nyahahah nalipat pala hehehe. Oks!!!
Maneki Neko
09-01-2009, 10:19 PM
^Alin na lang yung available sa tinda mo, jurusu-san
Maneki Neko
09-01-2009, 10:55 PM
^ Maski pouch, wala ka para sa DSi mo? Eh saan mo nilalagay yung console mo, sa plastic ng Watson's?? :D
nodyaj
09-02-2009, 10:12 AM
^Ako rin, wala pang accessories. Kinuha ko yung pink na medyas ng kapatid ko, yun yung ginawa kong case ng DSi. :lol: Mag-iipon muna ako sa para 18 in 1 na accessories.
spitz
09-02-2009, 11:46 AM
@neko-san: LOL watsons pa talaga eh! haha! Pero ako din walang lalagyan haha, sa bulsa O_O
Maneki Neko
09-02-2009, 03:56 PM
@neko-san: LOL watsons pa talaga eh! haha! Pero ako din walang lalagyan haha, sa bulsa O_O Syempre, magandang kalidad ang Watsons! Eh, di ba kayo natatakot na mabagsak ang DS pag wala sa pouch?
^Ako rin, wala pang accessories. Kinuha ko yung pink na medyas ng kapatid ko, yun yung ginawa kong case ng DSi. :lol: Mag-iipon muna ako sa para 18 in 1 na accessories. Ano yung 18-in-1? Anong kasama nun? Nail cutter, Swiss knife, scissors, hehe.
Ang laki ng medyas ng kapatid mo ha!
spitz
09-02-2009, 04:06 PM
haha! sabagay maganda nga. sa watsons na plastic bag nakalagay yung magnetic go board ko XD nakakatakot syempre kaya careful...
waw medyas! ok yun ah! XD bakit, di kasya yung DS sa medyas no neko-san?
Maneki Neko
09-02-2009, 04:22 PM
^ Di kasi ako nagsusuot ng medyas, tapos yung mga medyas ko parang gloves, may pasukan lahat ng daliri. Magmumukhang engot siguro yung DS ko pag nilagay ko dun. Hehe.
Yung pouch ko naman, palibhasa light pink, ayun -- dugyot na! Ang libag libag na nya...Di ko naman malabhan kasi wala na akong extra pouch. Ayoko naman ng Watsons kasi walang bulsa para sa stylus, extra game catridges at R4 USB.
spitz
09-02-2009, 04:32 PM
^edi bili pa kayo ng isa! haha joke lang XD
Maneki Neko
09-02-2009, 04:42 PM
^ Ahahaha, regalo lang kasi. Di ko naman matanong...alam mo na, baka malaman ko ang presyo :P
Meron akong gustong bilhin na DS case sa Ebay. Super Mario at Hello Kitty ang designs. Pero console lang ang mailalagay kasi. Gusto ko kahit yung USB charger pwede, para bitbit kahit sana. hehe.
jurusu
09-04-2009, 01:21 AM
^Alin na lang yung available sa tinda mo, jurusu-san
Ngek di po ako nagtitinda hehehee. Nakita ko lang sa SM yan hehehe para po dun sa mga gustong bumili sa SM Toy Kingdom sa The Block.
Maneki Neko
09-04-2009, 09:45 AM
Nyak, kala ko naman you are selling these. Sige na nga, babalik ko sa Accessories thread. Sorry po...:)
hirodayuy
09-07-2009, 06:51 PM
ngyee haha my pouch nman ako ng DSi parehas kami ng pouch ni jurusu-san XD
Maneki Neko
09-07-2009, 09:06 PM
^ Ano nga ba itsura nun?
hirodayuy
09-08-2009, 12:32 AM
pouch lng siya na may nakasulat na DSi hehe.
Maneki Neko
09-08-2009, 03:51 AM
^ Kala ko ganito eh: green plastic lang sya na may nakasulat na Watson's.
:D
sanctuarius
09-09-2009, 09:10 AM
mag alumor na lang kasi kayo hehehehe
nabagsak na yung DSi ko at PSP, walang kagalos galos :) dapat may kickback na ko sa capdase, nagpopromote ako ng product nila
nodyaj
09-09-2009, 01:06 PM
Ano yang alumor? Hehe. :D
Maneki Neko
09-09-2009, 02:41 PM
^ Aluminum casing ba to? Ah basta fanboy na fanboy nyan si sanctuarius-san eh. Hehe.
nodyaj
09-09-2009, 03:57 PM
San may available na ganyan? :D Papabili ako niyang Alumor. haha. Nakita ko sa play-asia.com.
Maneki Neko
09-09-2009, 05:02 PM
^ Yup, dun din bumili nyan si sanctuarius-san ^_^
sanctuarius
09-10-2009, 05:07 PM
ay oo fanboy ako nyan, ketebay tebay nyan, yung PSP ko mahigit one year na nakasalpak yung alumor, kul na kul pa rin ang dating! hehehehe
may nakita nga pala kong alumor case dito sa eastwood mall, try nyo para di na play-asia.
Maneki Neko
09-10-2009, 05:15 PM
Pag alumor case, di ba as in case lang sya? Gusto ko kasi yung pouch ko, may lalagyan ng extra games, R4 usb, charger, ganun. :)
Never ko pa naman sya nabagsak at wag na sana, hehe. *crosses fingers*
nodyaj
09-10-2009, 11:35 PM
Hindi kasi ako marunong mag-order dun eh. Wala naman akong credit card. haha. Sa Greenhills kaya, meron?
Maneki Neko
09-10-2009, 11:44 PM
^ Sabi ni sanctuarius-san, meron daw sa Eastwood Mall.
hirodayuy
09-12-2009, 12:12 AM
huwaw! gusto ko ng alumor case na yun! sa eastwod mall merun tlga? mga magkano naman kaya un?
Maneki Neko
09-12-2009, 12:19 AM
^ Wag na, OK na ang supot ng Watson's! :D
jurusu
09-12-2009, 01:55 AM
Merong Alumor case sa Trinoma. Nasa 900 to 1500 petot. Mahal hehehe.
Marinakoko17
09-12-2009, 05:40 AM
^ Grabe, ang mahal, alumor case palang yan...
Tinalo pa ng CD Drive ng computer.
Sana magkaroon na ako ng DSi, kasi para makapaglaro uli ako ng maayos.
Nakuha ko na nga ung DSL, kaso sira ung charger kaya iintayin ko na lang ung DSi para ginhawa ulit ang paglalaro ko.
hirodayuy
09-12-2009, 01:31 PM
@Maneki Neko-san: yung supot ba ng mercury drug okay rin? XD
@jurusu-san: waw ang mahal naman! san mo nakita? sure ba sila na kahit konting gasgas eh hindi mgkakaron ang DS pagnabgsak ngek! shock absorber rin ata d b?
@Marinakoko17-san: hehe tama DSi ka na lng XD
jurusu
09-12-2009, 09:17 PM
Hirodayuy-san, ang Alumor ay hindi nag aabsorb ng shock.
Aluminum ata ang material so kontra gasgas lang. Kapag bumagsak, nararamdaman pa rin ng ds mo yung impact.
Ang real shock absorber eh yung mga silicon gel covers para sa DS.
Yun yung nakaka absorb ng shock.
hirodayuy
09-12-2009, 09:52 PM
waw alam n alam mo ah jurusu-san hehe. hmm mas gusto ko ung shock absorber. at list buo p rin ang DS kesa gasgas hehehe.
jurusu
09-13-2009, 08:59 AM
@maneki-san,
ano pong tatak ng lalagyan nyo ng ds at anong hitsura?
Ang galing naman at kasya pati charger...
Maneki Neko
09-14-2009, 03:21 PM
^ Ay mali pala, magulo yung sinabi ko. Di sya yung charger talaga kundi USB charger ang nalalagay ko sa loob.
Di ko sure kasi kung saan binili yun at hindi sya official Nintendo product. Tatanong ko na lang kung saan binili, bigay lang din kasi yon :)
sanctuarius
09-14-2009, 06:14 PM
Hirodayuy-san, ang Alumor ay hindi nag aabsorb ng shock.
Aluminum ata ang material so kontra gasgas lang. Kapag bumagsak, nararamdaman pa rin ng ds mo yung impact.
Ang real shock absorber eh yung mga silicon gel covers para sa DS.
Yun yung nakaka absorb ng shock.
ay i beg to disagree po (talagang suportado ang alumor!)
yung PSP alumor po may kasamang silicon cover bago yung metal casing, so shock absorber pa rin sya. tried and tested na po although not intentional, nabagsak yung PSP ko while playing a game from a height of about 3 feet to cement. i picked it up checked the damage, none found, played again.
sa DS naman, may inner lining sya na parang sponge like material na parang velvet rubber. so hindi lang sya metal casing, meron din sya sort of foam material sa loob to absorb shock. tested na rin, nalaglag from about two feet. talsik yung flashcart, pero yung DSi umaandar pa rin up to now, no damage whatsoever.
2 cents lang po
Maneki Neko
09-14-2009, 07:05 PM
sanctuarius-san: Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa console mo!! :P Endorser ka talaga ng Alumor, haha.
Marinakoko17
09-14-2009, 07:05 PM
Kung sino man ung masipag dyan, gusto ko makita ang Alumor Case na buo, kasi ung sa PA hindi ko type ung angle.
jurusu
09-14-2009, 08:24 PM
ay i beg to disagree po (talagang suportado ang alumor!)
yung PSP alumor po may kasamang silicon cover bago yung metal casing, so shock absorber pa rin sya. tried and tested na po although not intentional, nabagsak yung PSP ko while playing a game from a height of about 3 feet to cement. i picked it up checked the damage, none found, played again.
sa DS naman, may inner lining sya na parang sponge like material na parang velvet rubber. so hindi lang sya metal casing, meron din sya sort of foam material sa loob to absorb shock. tested na rin, nalaglag from about two feet. talsik yung flashcart, pero yung DSi umaandar pa rin up to now, no damage whatsoever.
2 cents lang po
I see. sorry sa maling impormasyon hehehee. based sa alumor ng ipod ko yung comments ko eh hehehehee.
pero napagisip isip ko, kapag bumagsak yung device at kumalas ang casing, yung pagkalas ng casing ay isang uri na rin ng shock absorption. Yung mga tangke kasi na pandigma gaya nung mga nasa Iraq, meron silang mga ceramic plates na nangangalas pag tinamaan ng shrapnels. Isang uri daw yun ng shock absorption nung tangke.
---------- Post added at 08:24 PM ---------- Previous post was at 08:19 PM ----------
http://image4.play-asia.com/640/6s/pa.122182.1.jpgeto na yung iniindorso ni sanct-san hehehehehe
Marinakoko17
09-14-2009, 08:27 PM
Dear Gawd ang ganda o_o!!
Sana meron akong isa. Pero pangarap na lang un.
*Still waiting for DSi*
Maneki Neko
09-14-2009, 08:28 PM
^ Aba, ibang level ka talaga, pati tangke sa Iraq dinamay mo :D
Iisang kulay lang ba yang Alumor na yan?
jurusu
09-14-2009, 08:35 PM
^ Aba, ibang level ka talaga, pati tangke sa Iraq dinamay mo :D
Iisang kulay lang ba yang Alumor na yan?
Di ko lang sure pero yung kulay ng ipod alumor ko eh ganyang kulay din. parang finish ng baril. kulay itim.
Itanong natin sa kinauukulan hahaha si sanct-san!!! hehehehe
Maneki Neko
09-14-2009, 10:39 PM
May question ulit tungkol sa Alumor na yan: Gaano lalaki ang bulk ng DS mo pag nilagyan mo nito? Mukha ba syang fatty na or keri pa rin yung pagiging DS Lite nya? Thanks :)
hirodayuy
09-15-2009, 09:48 PM
napakalupit naman ng explanation ni jurusu-san haha XD
hmm mukang mataba ang DS tlga pgmy alumor casing ah.
Maneki Neko
09-15-2009, 10:58 PM
^ Feeling ko hindi sya ganun kataba. Mas mataba pa nga ata yung plastic casing ko ng DS eh.
sanctuarius
09-16-2009, 05:38 PM
yup may iba iba syang kulay, at least sa PSP yun sure ako dun, sa DS di ko sure kung may ibang kulay (meron din ata).
at oo aminado ako na tataba at bibigat ang console mo pag nilagyan mo ng alumor kasi nga metal casing sya.
pag sa PSP alumor say goodbye sa UMD door (as if naman may gumagamit nito) and sa wifi switch (i leave it on na lang)
pag sa DS alumor, walang inaccessible, lahat accessible kahit naka alumor armor casing ka
ang isang okay pa dyan, may mga rubber stoppers sa ilalim yung alumor ng DS so kahit gun-finish yung harap (i.e. madulas na parang finish ng .45 or .40), may rubber stopper naman sya sa ilalim kaya di sya dudulas sa kung anong surface mo ilagay
kaya nung nagkaDSi ako, yan una kong hinanap na casing hehehe
post ako pictures pag sinipag
Maneki Neko
09-16-2009, 06:21 PM
^ Dali, sana sipagin ka na :D
Tsaka at least, yun palang design nito, swak dun sa mga butas butas ng DS para di na kailangan alisin yung casing pag kailangan mag-charge or something
oasis
09-16-2009, 07:29 PM
ok lang ba yung dsi stylus sa touchscreen ng lite? Badtrip kasi stylus pala ng dsi ang nabili ko. .hindi kasya dun sa lalagyanan niya sa gilid pero keri lang. .Ang major concern ko lang po is baka hindi advisable na yun ang ipang-touch mo sa touch screen niya. .Pero infairness ang smooth niya ha. .:D
Maneki Neko
09-16-2009, 08:03 PM
Wow, ganun ba kalaki ang diff ng smoothness ng stylus ng DS Lite sa DSi? Feeling ko naman walang negative effect yung kung gamitin man sa DS lite.
hirodayuy
09-16-2009, 09:30 PM
@sanctuarius-san: hehe sana sipagin ka na magpost ng pics XD
mahaba lang tlga ung stylus ng Dsi kesa sa DS hehe.
Maneki Neko
09-16-2009, 09:37 PM
^ Pero sabi ni oasis-san, mas smooth daw gamitin ang DSi stylus.
jurusu
09-16-2009, 10:21 PM
Alumor case ulit tayo hehehehe.
Isang pagsusuri.
Isa sa mga kadahilanan ng paglagay ng silicone sheet sa ilalim ng aluminum ay para magkaroon din ng magandang 'fit' sa pagitan ng sheet at ang surface ng NDS. Kung walang silicone sheet, maaring kumalog ang NDS dahil mahirap i fit ito ng saktong sakto. Para itong nag sisilbing gasket. Gayunpaman, since its made up of rubbery material, it contributes to some degree of shock proofing.
Para sa mga karadagang kuro kuro, maaring pumunta sa http://www.cheapassgamer.com/forums/showthread.php?t=147350 (http://www.cheapassgamer.com/forums/showthread.php?t=147350)
Kung gusto nyo talaga ng ultimate shock proofing, bumili na lang kayo ng Elecom na case na Zero shock model. Yan hehehehe.
---------- Post added at 10:21 PM ---------- Previous post was at 10:13 PM ----------
Hindi lang pala guitar hero ang pede sa DS!!!
Pede rin taung mag piano!!!
http://cache-foo-02.gawkerassets.com/gawker/assets/images/4/2009/07/504x_gam_easypiano_580.jpg
Maneki Neko
09-16-2009, 10:23 PM
Jurusu-san, DSi ka ba or DS Lite?
jurusu
09-16-2009, 10:37 PM
DS Lite po. Ayoko ng DSi. Ang mahal saka ang ikli ng battery life. hehehehe. Binili ko lang sya para sa dictionary. Plus na lang yung games hehehehe.
Maneki Neko
09-16-2009, 11:26 PM
^ Wahaha, secondary lang pala ang games.
Ang ganda nung piano!
sanctuarius
09-17-2009, 12:16 PM
Kung gusto nyo talaga ng ultimate shock proofing, bumili na lang kayo ng Elecom na case na Zero shock model. Yan hehehehe.[COLOR="Silver"]
meron bang elecom for DSi at PSP? nitry ko search website nila ala ko makita eh.. parang okay nga elecom
oasis
09-17-2009, 12:37 PM
hehe. anung laro yang ginagamitan ng piano na yan? [*-)][*-)]
hirodayuy
09-17-2009, 12:46 PM
ngek ang dami nmang pde ilagay sa game slot ng DS lite, bkit nila tinangal un sa DSi so hindi na pwede magamit ung mga un wah sayang naman.
oasis
09-17-2009, 12:52 PM
nakita ko na
.."easy piano" sa november sa Europa. .hehe
hirodayuy
09-17-2009, 01:32 PM
anu yung easy piano? hehe.
oasis
09-17-2009, 01:42 PM
yun yung name nung laro. .hehe
hirodayuy
09-17-2009, 01:52 PM
aaa nung pangpiano? hehe sayang d pde sa DSi
Maneki Neko
09-17-2009, 02:14 PM
^ Benta mo na DSi mo, tapos bili ka ng DS Lite para lang sa accessories! :P
hirodayuy
09-17-2009, 02:26 PM
ngyee! ayaw ko nga haha. baka nman my lalabas na accessories pra s DSi haha ang kasu san kya ilalagay un hahaha.
Maneki Neko
09-18-2009, 10:11 PM
Parang medyo matagal pala magcharge using the USB cable. Parang 3 hours din? Ngayon lang natapos yung pagcharge ko eh.
hirodayuy
09-18-2009, 11:11 PM
baka mtagal nga dko pa nattry mgcharge ng USB cable.
Maneki Neko
09-18-2009, 11:25 PM
Ewan ko lang din, pero yung MP3 player ko, mas matagal magcharge sa laptop kesa sa desktop.
hirodayuy
09-19-2009, 12:04 AM
aaaaa. iplug mo n lng ung DS pra ms mabilis mgcharge hehe.
Maneki Neko
09-20-2009, 12:43 AM
^ Eh pag ganun, di ko nagagamit yung computer eh, kasi nakasaksak yung DS sa AVR ng computer. Kaya mas preferred ko rin ung USB -- sa office pa ako nagcha-charge :P
hirodayuy
09-21-2009, 11:34 AM
ngyeee! wla ba ibang saksakan haha XD hmm wla bang accessory ang DS na mismung pangcharge lang ng battery parang sa celphone?
sanctuarius
09-21-2009, 04:19 PM
yup mas mabagal talaga pag USB charging kasi trickle charge sya, di tulad pag wall socket, full blast. anyway better than nothing
hirodayuy
09-21-2009, 06:16 PM
yep hehe kung asa opis pde tlga usb charging hehe.
Maneki Neko
09-22-2009, 04:24 PM
ngyeee! wla ba ibang saksakan haha XD hmm wla bang accessory ang DS na mismung pangcharge lang ng battery parang sa celphone? ANu daw, di ko sya gets. Pwede bang kausapin nyo sya?
yup mas mabagal talaga pag USB charging kasi trickle charge sya, di tulad pag wall socket, full blast. anyway better than nothing Oo nga, tsaka feeling ko, mas magastos pa kung sa socket ko icharge yung DS kasi malamang, gagamitin ko rin ng sabay yung PC.
hirodayuy
09-23-2009, 01:04 PM
@Maneki Neko-san: i mean ung pran sa charger ng battery ng celphone, di ba pwede mo alisin ung battery ng celphone tpus ung mismung battery na lng ung iccharge mo? err anu kc tawg dun. hirap paliwanag
Maneki Neko
09-23-2009, 03:54 PM
Ah ok. Gets. Di pwede sa DS yun, obviously. Kasi naka screw yung sa likod. Ginawa ata talagang ganun para hindi tanggalin ang batt.
hirodayuy
09-24-2009, 12:10 AM
oo nga haha nalaman ko lng na nakascrew un nung tym na nghang ung DSi haha ewan kung bakit peru okay nman XD
hirodayuy
09-25-2009, 10:29 PM
bumili ko ng bagung screen protect, err ngbubbles siya 0____0
Maneki Neko
09-25-2009, 10:32 PM
^ Ay lungkot. Saan ka bumili, dun sa P88? Medyo tricky maglagay nyan eh. Lalo kung medyo manipis yung film.
hirodayuy
09-25-2009, 10:49 PM
150 un hehe iba dun sa 88 d ko nga nkita ung 88 n un hmm. hmm peru sa ngyun konti n lng ung bubbles niya medyo aus n nman
Maneki Neko
09-25-2009, 10:52 PM
Tsaka ang alam ko, pwede din i-reposition yung film pag di maganda ang pagkakalagay mo -- for example, tabingi. Pwede mo ulitin. Basta ganun. Pinagawa ko lang yung sa akin eh, kasi olats ako sa mga ganito :P
hirodayuy
09-25-2009, 11:25 PM
aaa hahah mahirap nga tlga ilagay e haha. kaya pla mahal ung nakita ko na gnyan dati eh 3 sets pla yun haha.
oasis
09-30-2009, 11:00 AM
san nga pala kayu nakabili nung usb charger. . .hihihihi. . .
Maneki Neko
09-30-2009, 08:13 PM
^ Binenta lang ni sanctuarius-san yung kanya. Mali kasi sya ng bili sa Yes Asia, pang DS Lite. Eh yung kanya, DSi kasi.
hirodayuy
09-30-2009, 09:48 PM
merun nga ba na usb charger? hmm
pnung mali ung bili ni sanctuarius-san?
Maneki Neko
09-30-2009, 09:51 PM
^ Eh ang nabili nya ay USB charger na pang DS Lite. Yung console nya kasi ay DSi. Kaya binenta na lang nya sa akin. Mura nga eh, P150 lang. Tsaka mula nung nagkaroon ako nito, di ko na ginagamit yung charger ng DS ko.
hirodayuy
09-30-2009, 09:56 PM
merun nga ba na usb charger? hmm
pnung mali ung bili ni sanctuarius-san?
Maneki Neko
09-30-2009, 10:08 PM
^ Ngi, ano ba yang post mo, pareho lang ang laman.
hirodayuy
10-01-2009, 09:22 AM
ay! oo nga nu, ngloko ata nung pgpost ko ngyun ko lng napansin ngek!
hmm so baka wla pa tlgang usb charger para sa DSi?
Maneki Neko
10-05-2009, 09:53 PM
^ For sure meron yan for DSi. Mali lang sya ng bili talaga. Not sure kung bumili ulit sya sa Play-Asia.
hirodayuy
10-07-2009, 12:08 AM
aa sige ittry ko tumingin sa greenhills hehe malaking tulong rin ang usb pra sa pc ng DSi pra nakakapgcharge ako sa pc hehee.
sanctuarius
10-08-2009, 07:03 AM
^ For sure meron yan for DSi. Mali lang sya ng bili talaga. Not sure kung bumili ulit sya sa Play-Asia.
yup bumili ako ulit sa play-asia, eto gamit ko ngayon hehehe
hirodayuy
10-08-2009, 09:35 AM
waw alin un yung usb cable? hehe.
Maneki Neko
10-08-2009, 09:34 PM
yup bumili ako ulit sa play-asia, eto gamit ko ngayon hehehe Wow, galing! Same price din? Tapos ilang oras ka mag-charge using the usb?
sanctuarius
10-13-2009, 01:22 PM
^^ yup halos same price din (mas mataas ng konti yung DSi, for whatever reasons).
di ko lang sure kung gano kabilis magcharge eh hehehe kasi pag pasok ng opis, plug and forget ako hehehe
Maneki Neko
10-13-2009, 02:37 PM
Maganda yun ha, plug and forget. Laos na pala ang plug and play :P
Bakit kaya walang ganyang accessories dito?
maakusutipen
10-19-2009, 09:41 AM
May nakita ako dun sa Japanese things shop sa trinoma.. yung mga 88 pesos lang... nagbebenta sila ng usb charger for DS and PSP... wahwahw...
pero inde ko na binili... heehhe
Maneki Neko
10-19-2009, 05:14 PM
Sabi nga din ni spitz-san dati, meron daw syang nakita ata sa Japan Home.
hirodayuy
10-22-2009, 01:06 PM
huwaw bkit hindi ko nkikita un? hehe.
oasis
10-22-2009, 01:36 PM
gusto ko din ng usb charger..
at kung sa japanhome to.. hmm, e di less than 100 petot siya? hihihi
Maneki Neko
10-22-2009, 02:31 PM
Yeah, P88. Alam ko talaga may nabanggit si spitz-san na ganun eh.
Maneki Neko
02-02-2010, 01:43 PM
Nakabili pala ako ng bagong NDS case ko. Hello Kitty sya, *mukhang* orig talaga pero hindi, haha. Sa Vigan ko nabili, may isang Hello Kitty shop dun sa may Plaza Maestro -- P200 lang ang case!
oasis
02-03-2010, 09:59 AM
Yeah, P88. Alam ko talaga may nabanggit si spitz-san na ganun eh.
ilang months na ba itong usb charger ko. .the best talaga. .hahahaha. .meron nga dun sa japan home center ^_^
Maneki Neko
02-03-2010, 10:43 AM
^Dun mo nga sya nabili? Hehe, ayos ha.
oasis
02-03-2010, 10:48 AM
opo, doon po neko-san. the best ang usb charger. .^_^ , kaya dito na lang ako sa office nagchacharge hehe
Maneki Neko
02-03-2010, 04:15 PM
Ang convenient talaga pag may USB charger no, hehe. Ako rin sa office na nag-charge ng DS eh, haha, kuripot. Ayaw gumastos ng sariling kuryente :P
sanctuarius
02-04-2010, 06:25 AM
ako rin hehehehe sa office nagchacharge ng PSP, DSi, at cellphone hehehehe. pati nga minsan laptop eh hehehe
oasis
02-04-2010, 07:35 AM
plug and forget. .hahaha. .advisable ba yung "plug and forget"???, madalas kasi nakakalimutan ko ehehehe
Maneki Neko
02-04-2010, 01:25 PM
plug and forget. .hahaha. .advisable ba yung "plug and forget"???, madalas kasi nakakalimutan ko ehehehe Ahahaha, ganda ng term ha. Wag naman forget kasi baka may kumuha :P
ako rin hehehehe sa office nagchacharge ng PSP, DSi, at cellphone hehehehe. pati nga minsan laptop eh hehehe Pare-pareho tayong mga garapal :P (PS -- Pati rechargeable batts ko, sa office din. hahahahaha)
vBulletin® v3.8.6, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.