PDA

View Full Version : Hunter X Hunter


jen-chan
04-27-2009, 06:52 PM
Anime Information courtesy of : Wikipedia (http://en.wikipedia.org/)
Image courtesy of : anime-pictures (http://www.anime-pictures.info)

http://img301.imageshack.us/img301/2860/hunterxhunter11i.jpg

The story of Hunter × Hunter focuses on a young boy named Gon Freecss (http://en.wikipedia.org/wiki/Gon_Freecss), who one day discovers that the father he had always been told was dead was alive and well. He learns that his father, Ging Freecss (http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Hunter_%C3%97_Hunter_characters#Ging_Freec ss), is a legendary Hunter (http://en.wikipedia.org/wiki/Hunters_Association). Despite the fact that his father abandoned Gon with his relatives in order to pursue his dreams, Gon becomes determined to follow in his father's footsteps, pass the Hunter Examination, and eventually find his father to prove himself as a Hunter in his own right.

Lady-Rinoa
04-27-2009, 07:18 PM
Wala pa palang thread to? Haha. Thanks for making one! :D

Sinimulan ko to actually pero hindi ko natapos O_O Andito si Kurapika, right? Xa yung finafangirl ko rito. Hehe. Wala nako masyadong maalala sa anime na to O_O Basta maganda yung OP song niya. :D

ryuchi
04-27-2009, 07:35 PM
Huwaw!! IDOL KO SI KILLUA!! KILLUA IS MINE!!! Joke lang!! Favorite ko dito ang Zoldyck family! Tska ang favorite kong "arc" nito ay yung sa Ryodan arc. Astig yun!! XD

Maneki Neko
04-27-2009, 07:51 PM
Huwaw!! IDOL KO SI KILLUA!! KILLUA IS MINE!!! Joke lang!! Favorite ko dito ang Zoldyck family! Tska ang favorite kong "arc" nito ay yung sa Ryodan arc. Astig yun!! XD Sa iyo pala ha. *punch* :p

Di ko natapos ang anime nito, pero gustong gusto ko yung na "Ohayou" ba yun? Basta ang ganda ganda kasi ng boses nya eh, tapos pag naririnig ko yun, parang nagiging happy ako. Pero kami crimcrim-san na gustong gusto to :D

Lady-Rinoa
04-27-2009, 08:10 PM
Ang ganda nga ng Ohayou :) Intro palang eh nakaka-engganyo na ^_^ Ano ending nito? >_< Di ko to natapos eh.

jen-chan
04-27-2009, 08:21 PM
Susmaryosep!!! bago ako naging hilaw na fangirl, try hard jpop-fan, adik adik din ako sa anime at anime-osts...

I bet! this is one of the best animes Ive ever seen. One of the best Yoshihiro Togashi has ever made.

That was 10 years ago, around 1999 (nakupo wag na pag-usapan ang edad ha? hehe) nung una kong napanood to sa gma 7, medyo wala pa akong idea kung pano nila dina dub 'to pero ang ganda ganda ng pagkakasalin nito sa tagalog at yung dubbing !!!




@lady-rinoa-san

Wala pa palang thread to? Haha. Thanks for making one!

Sinimulan ko to actually pero hindi ko natapos O_O Andito si Kurapika, right? Xa yung finafangirl ko rito. Hehe. Wala nako masyadong maalala sa anime na to O_O Basta maganda yung OP song niya.
-- it's my pleasure! HXH is my all time favorite anime series. di ko pa alam ang term na fangirl nun way back then, pero i was so fond of all characters and kras ko rin si kurapica !!! , idol ko si gon at si killua, add mo na rin si hisoka at kuroro sa listahan waaaahhhh !!!



@ryuchi-san :

Huwaw!! IDOL KO SI KILLUA!! KILLUA IS MINE!!! Joke lang!! Favorite ko dito ang Zoldyck family! Tska ang favorite kong "arc" nito ay yung sa Ryodan arc. Astig yun!! XD-- lahat ng hxh buddies, gustong gusto ko, si killua , idol ko, kalevel sya ng favorite ko na si gon...

astig talaga ang ryodan i agree with you ryuchi-san!!! kasi ito rin ang arc na inuulit ulit ko hanggang dun sa part na nawala na si pakunoda XD ..

plus yung binisita ni Gon ang bahay ng mga Zoaldyk !!!

@neko-san :

Di ko natapos ang anime nito, pero gustong gusto ko yung na "Ohayou" ba yun? Basta ang ganda ganda kasi ng boses nya eh, tapos pag naririnig ko yun, parang nagiging happy ako. Pero kami crimcrim-san na gustong gusto to
har har har.. i agree !! waaahhh.. yung opening na Ohayou napaka refreshing ,

neko-san me isa ka pang nakalimutan , yung isang malupit na rock opening na 'Taiyou wa Yoru Kagayaku' ng Wino. ito yung parang lasing na rocker ang dating ng boses , pinatugtog ito starting ng Genei Ryodan arc, where kurapica desperately searches for the ryodan who put his tribe into annihilation. ang opening video ng anime , using this song nakupo!! swak na swak .. dark at may angst!

ang bongga bongga ng OST rin nito!!! XD

Here's the copy of it : you may download this if you want XD : Taiyou (http://www.4shared.com/file/101994926/1410e731/Hunter_x_Hunter_-_Taiyou_wa_Yoru_mo_Kagayaku.html)

ryuchi
04-27-2009, 08:25 PM
EHHH?? Ang pinaka gusto kong OP nito ay yung Pale Ale. Hahahaha! Tuwang tuwa ako dun!!

@Neko-neechan

ITAAIII!!!! XD

@Lady_Rinoa-chan

Hmmm.. Hanggang Greed Island lang ang HxH. Ang ending ay nakita ni Gon at Killua si "Gin Freecs". XD

@jen-chan-san

Hahahaha!! Astig no?? Ang pinaka favorite ko na episode sa Ryodan arc ay syempre, yung laban ni Kororo versus Silva and Zeno!! EPIC FIGGHTTTT!! XD

chi3
04-27-2009, 09:01 PM
eto yung anime na pinagdadasal ko na sana wag matapos tapos. ganda kasi. napanood ko lahat at natapos ko lahat. sana d nila tinapos. bitin yung ending nung anime chaka yung ova. ni hindi man lang pinakita na nagusap yung mag ama T_T natuwa rin ako sa pamilya ni Killua (especially dun sa mataba nyang kapatid LOL) chaka d ko parin matanggap na lalake si Kurapika T_T babae sya e..babae!!! T_T

naisip ko, ultimate purpose ni Lerio sa anime e para maging chaperon nila. kasi db puro minors mga kasama nya hohoho

jen-chan
04-27-2009, 09:09 PM
@chi3-san : har har har.. yung OVA ba na sinasabi mo supposedly ending na ng buong series??? malamang me kasunod pa yun. kasi tuloy tuloy pa rin ang manga nito. medyo malayo na rin ang narating.

-- yung kuya ni killua, yung isa pa si Irumi(?) sya yata ang model ng rejoice dito , walang tatalo sa kintab at straight nyang hair !!! XD

-- hehe? di ko rin matanggap! XD di talaga pwede maging boy si kurapica, kasi talagang mukha syang babae at ung voice nya babae den!!

-- ang inaabangan ko actually yung nen powers ni leorio, kasi sa lahat ng buddies yung kanya ang wala pa.

@ryuchi-san : hohohoho!!! ang galing kasi talaga ng mga characters dito eh ano? galing ng kumbinasyon parang boyband. ang milo boy dito si gon freecs.. kasi laging naka-green XD

Eurydice
04-27-2009, 09:49 PM
wala palang thread nito??! wahaha..

hindi ko ito pinanood kahit kailan ata..or may ilang episodes lang..
pero fave ko si kurapika at killua..ehehe..

Maneki Neko
04-28-2009, 03:41 AM
Here's the copy of it : you may download this if you want XD : Taiyou (http://www.4shared.com/file/101994926/1410e731/Hunter_x_Hunter_-_Taiyou_wa_Yoru_mo_Kagayaku.html) Yehey! Thanks! Nalagay ko na sya sa Zune ko. Meron ba kayo nung Ohayou? Penge din, thanks!! :D

jen-chan
04-28-2009, 10:05 AM
ito yung Ohayou (http://www.4shared.com/file/102130871/eea8fbe6/Hunter_x_Hunter_Toshihiko_Sahashi_-_Ohayou.html)! enjoy listening! ;)

eron din ako nung midi ng Taiyou baka feel nyo sabayang minusone/karaoke har har har
saka yung kanta ng tita mito at ni hisoka.. then yung kanta ng apat na buddies na character songs : killua/gon/kurapica/leorio eron din ako hehehe.. inform nyo lang ako kung type nyo rin! ;)

siyata
04-28-2009, 10:19 AM
aba! di ko napansin na mayroon na pala ditong HXH! favorite ko rin po Ohayou
i memories it by heart (kaso yung sa Tv size lang hehe)

jen-chan
04-29-2009, 06:29 PM
@siyata-san, ihataw mo kaya yang Ohayou sa 3rd anniv karaoke??? hehehe

siyata
04-29-2009, 08:37 PM
@jen-san: sabi ko nga na tv size lang kaya ko..hehehe

paborito ko yung nagtraining sila Gon ng Nen..nihaha

jen-chan
04-29-2009, 09:16 PM
^ ay ako rin !! XD kasama di ba din dun si G. Wing(?) yung nagturo pa ng maraming technique sa kanila.. plus yung tore ng palapag.. gosh gustong gusto ko yun. trip na trip ni hisoka maging hari ng palapag har har har... di ko alam kung ano ang katawagan sa tore na yun sa english sub.. basta aliw na aliw ako sa suspense ng season na to na tinagalog sa 7. buti pa nga dun maganda ang dubbing nung araw sa anime XD

siyata
04-29-2009, 09:18 PM
^ fave moment dun sa Tower: hisoka's bubble gum power!!

bungeegum
04-30-2009, 03:28 PM
this is one of my all-time faves...I even got my nickname from hisoka's bungeegum ability. sya yung fave character ko dun eh. astig yung series nito, but nakakainis kasi palaging bitin yung mg fight scenes. di ko rin nagustuhan yung artwork sa greed island ova. but still I hope ituloy pa rin nila yung series, into the chimera arc. ang haba pa eh, I want to know what happens to the characters, especially hisoka and killua, and the ryodan.

siyata
04-30-2009, 04:35 PM
@bungeegum-san: yun pala yun! nihahaha! galing naman!

Jed
05-05-2009, 02:25 PM
aha! isa pa to.. vnow ko to panuorin ko to buong summer dn kso hindi nmn m2loy 2loy sucks..

jen-chan
05-05-2009, 04:17 PM
@bungee-gum-san: hahaha.. ako una ko palang nakita ang username mo, kinutuban na ako, ang naalala ko agad si hisoka! :w00t:

Dark_knightz14
05-05-2009, 08:34 PM
adicted ako sa series na to kaya lang up till now naka-halt pa din kasi.. nakakabitin ng sobra...

bungeegum
05-06-2009, 07:04 AM
@ siyata-san and jen-chan...ahehe, ang dami ngang nagtatanong saken kung san galing ang username ko eh, when I ask them alam nyo ung hunter x hunter? some of them would go, ahh, yun pala yun, hehe!

based on a piece of news I read a few weeks ago, yung latest volume ng HxH manga ang bestselling volume of the series. Ang galing! Even though patigil-tigil yung pagpublish nito, it still keeps people on their toes. Hehehe!

jen-chan
05-06-2009, 09:18 AM
@dark-knights-san : korekek! addicting! :)
@bungeegum-san : whoa! that's good news! sa lahat kasi ng series na sinundan ko itong hxh din ang pinakakakaiba ang story.. ang daming suspense, action, thriller, twists. intay intay tayong magka next season sa anime nito! thanks for sharing the good news :)

moeru
05-06-2009, 12:05 PM
Sobrang nagandahan din ako dito.. UNg buong series, napanood ko lng ng 2 araw. Nahihinto lng ako pag papasok na ko sa class noon.. LOL!

Sobrang naadik pa ko at nabitin sa last ep, pumunta pa tlga akong quiapo ng gabi para bilhin ung OVAs nya! haha.. 2 OVAs nya... manganda pareho pero nabitin pa rin ako.. sad tlga..

Ang galing tlga ni Yoshiro Togashi! Idol! Lahat ng ginagawa nya, kinaadikan ko! XD

At ang favorite ko pala ay... si Killua at Kurapika.. pero gusto ko rin si Gon! Abnormal si Gon...sbrang bait nya! hehe

jen-chan
05-06-2009, 12:19 PM
Sobrang nagandahan din ako dito.. UNg buong series, napanood ko lng ng 2 araw. Nahihinto lng ako pag papasok na ko sa class noon.. LOL!

Sobrang naadik pa ko at nabitin sa last ep, pumunta pa tlga akong quiapo ng gabi para bilhin ung OVAs nya! haha.. 2 OVAs nya... manganda pareho pero nabitin pa rin ako.. sad tlga..

Ang galing tlga ni Yoshiro Togashi! Idol! Lahat ng ginagawa nya, kinaadikan ko! XD

At ang favorite ko pala ay... si Killua at Kurapika.. pero gusto ko rin si Gon! Abnormal si Gon...sbrang bait nya! hehe

whatt???? 2 days lang ang marathon mo nito?? hahaaha adik ka, moeru-san! mas adik ka pa sa akin har har har

ako din, maloka loka akong naghahanap ng mga vcds nito nung araw, ginalugad ko ang pirates of the carriedo, quiapo, north mall, bihira ang me tinda. or wala lang ako swerte sa paghahanap :lol:
abnormal nga ang kabaitan ni gon ano? yung final match nya kay hanzou (yung kalbong ninja) hindi talaga sya sumuko kahit nanganib ang buhay nya, ang siste, si hanzou ang sumuko sa match. har har har.. napansin nila chairman netero na na kay gon lahat ng sympathy ng mga nanonood tapos nung mga sumunod na episodes or scenes me sinabi sila na karapat-dapat maging hunter si gon, hindi raw naging basehan ang pisikal nyang lakas or fighting skills, malamang ang tinutukoy nila yung kalooban ng hunter applicant.

saka me kakayahan siyang mapagaan ang kalooban ng mga nasa paligid nya, hayop man o tao, akalain mo napabago nya ang murderous aura ni hisoka nung nagtrip ito dun sa hunter exam nila dun sa kagubatan. :w00t:

siyata
05-06-2009, 01:32 PM
sayng nga lang nasa Hiatus yung manga nyoron~ sana nga ipagpatuloy na nila yung sa anime

jen-chan
05-06-2009, 01:37 PM
^ malamang ituloy din yan syata-san , maraming mga anime na matagal hindi nasundan ng sequel pero nagkaroon pa rin ^_^

siyata
05-06-2009, 01:43 PM
^ sana nga*crosses fingers* ituloy katulad na lang ng hajime no ippo, tagal rin nilang ginawan yun ng bagong season hehe

Dark_knightz14
05-06-2009, 08:57 PM
lagi kasi may sakit yung mangaka eh.. kaya nakakabitin.. speaking of which.. diba yung mangaka ng sailoroon yung wifee ng mangaka ng HXH..

moeru
05-06-2009, 10:22 PM
^ yep.. un din alam ko.. at feeling ko wlang sakit ung mangaka nito.. tinatamad na un kc kumikita na ng husto! ung 2 ba nmn nyang manga eh super sikat! ^^

hirodayuy
05-07-2009, 01:58 AM
@moeru-san: hehe baka tama ka nga, tinatamad nga lng cguru yung mangaka nitung hunter x hunter/yuyu hakusho xD

gusto ko dito si kurapika peru sa mga latest story eh prang extra n lng si kurapika, hmm wla na rin naman siyang magagawa kung hindi spider ang kalaban nya hehe

jen-chan
05-07-2009, 09:37 AM
huh??? talaga??? :w00t: totoo ba na mag-asawa ang mangaka nito at yung sa sailormoon?

oo nga, patok talaga ang works ni yoshihiro, bka kelangan din magpahinga kasi nauubusan din ng idea :D

emperorcaius
05-07-2009, 11:21 AM
naalala ko nun may mga kumakalat na spekulasyon na roughly based daw ang main characters ng anime na to sa main characters ng Ghost Fighter...

Gon <-> Eugene: Black Hair, tapos diba mostly associated din ang color green kay Eugene
Killua <-> Vincent: Fast moving assassin types...short
Leorio <-> Alfred: Tall guy
Kurapika <-> Dennis: Lalaking mukhang babae

siyempre, hindi madaling paniwalaan...pero di ko talaga maiwasang makita ung trend... n_n

gusto ko rito ung lider nung Spider. lalang...naka-black kasi siya, at may kakaibang hairstyle (is that brush-up?) n_n

jen-chan
05-07-2009, 12:07 PM
@emperorcaius-san : i agree! oo nga... me pagkakapareho yung mga characters not only physical aspects pati yung behavior/attitudes nila dun sa current at past works niya.

for me normal yun, kasi kahit yung mga music artist, me katono yung mga latest songs nila dun sa previous albums.

kaya ang magiging selling factor na lang talaga yung storyline ng manga.

ahehehe... favorite ko rin talaga si kuroro!!! an epitome of a cool and mysterious villain :-)

Dark_knightz14
05-07-2009, 04:39 PM
@jen-chan.. totoo po yun.. kung nanonotice mo. may mga chibi sailormoon sa manga ng HxH.. hehehe

jen-chan
05-07-2009, 05:53 PM
@jen-chan.. totoo po yun.. kung nanonotice mo. may mga chibi sailormoon sa manga ng HxH.. hehehe

ayyy talaga??? tanda mo kung anong chapters? dark-knight-san??? curious ako :lol:

Dark_knightz14
05-08-2009, 03:38 PM
jen-chan.. churi di ko maalala.. pero try ko hanapin.. ^_^

bungeegum
05-09-2009, 01:11 PM
naalala ko nun may mga kumakalat na spekulasyon na roughly based daw ang main characters ng anime na to sa main characters ng Ghost Fighter...

Gon <-> Eugene: Black Hair, tapos diba mostly associated din ang color green kay Eugene
Killua <-> Vincent: Fast moving assassin types...short
Leorio <-> Alfred: Tall guy
Kurapika <-> Dennis: Lalaking mukhang babae

siyempre, hindi madaling paniwalaan...pero di ko talaga maiwasang makita ung trend... n_n



The reason why may similarities yung characters ng yuyu and HxH is because iisa lang ang author nila. its yoshihiro togashi. :)

emperorcaius
05-09-2009, 01:16 PM
@bungeegum-san: astig naman! meron din kayang ganitong trend sa iba pa niyang works?

jen-chan
05-11-2009, 10:40 AM
oo possible talga me similarity palagi ang current at previous works, especially sa characters ng manga.

yung iba nga diba, kahit magkaiba ang author me mga magkakamukha ang characters sa drowing, kungdi man sa behavior din. e.g, suplado, aloof, mysterious mga ganong tipo :)

bungeegum
05-13-2009, 08:19 AM
@bungeegum-san: astig naman! meron din kayang ganitong trend sa iba pa niyang works?

so far kasi di ko pa natatatry yung iba nyang works. but im sure may similarities din. :)

jen-chan
05-14-2009, 12:00 PM
So far ba mga HXH fans, anong episodes ng series na 'to ang nakapagpakaba sa inyo sa sobrang thrill at suspense? at alin dun yung napanganga kayo sa twists? or unexpected outcome?

ako ang dame ! XD

bungeegum
05-15-2009, 01:09 PM
ako ang dami din jen-chan! hisoka is my favorite character, kaya lahat ng moments nya dun sa series ay inabangan ko talaga. I love the ep yung naglaban sila ni gon dun sa tower, and yung mga times na kasama nya yung ryodan. one of my most fave eps din is yung fight between kuroro and the zaoldyeks. super electrifying ng fight na yun, kaso bitin. ahehe!

jen-chan
05-15-2009, 01:39 PM
I love the ep yung naglaban sila ni gon dun sa tower, and yung mga times na kasama nya yung ryodan. one of my most fave eps din is yung fight between kuroro and the zaoldyeks. super electrifying ng fight na yun, kaso bitin.

-- ahehehe, ako ren!bungeegum-san, ang dami kong fave character dito kasi eh, yang si hisoka, kuroro, plus kahit yung mga zoaldyeks, napaka interesting ng character profile

-- ang natatawa ako sobrang thrilling nga ang laban b/n kuroro at dun sa 2 mag-amang zoaldyeks, tapos sa dulo, hindi naman pala matutuloy paghuli sa kanya, yun nga bitin, as in parang nanlumo ako dahil business lang talaga ang purpose ng zoaldyeks at the same time natuwa ako kasi, ayoko madeds si kuroro har har har :lol:

bungeegum
05-15-2009, 01:56 PM
I know right? pero ang deadma lang ni kuroro lumaban noh? actually pati sina silluva parang wala lang eh, napaka cold-blooded lang nila. and di ko lam kung sino ang kakampihan ko that time...kasi after hisoka, ang fave characters ko eh yung mga zaoldyeks. pero do you think mananalo sina silluva dun?

jen-chan
05-15-2009, 02:08 PM
I know right? pero ang deadma lang ni kuroro lumaban noh? actually pati sina silluva parang wala lang eh, napaka cold-blooded lang nila. and di ko lam kung sino ang kakampihan ko that time...kasi after hisoka, ang fave characters ko eh yung mga zaoldyeks. pero do you think mananalo sina silluva dun?

for me, me chance manalo, mataas ang probability rin na manalo si silva against kuroro, kung experience ang babasehan, ewan ko na lang kung ang flaw ng nen nya (if any) magiging loophole para ikatalo nya against kuroro.

ang napressure pa ata sa catching game na 'to yung 2 instead na si kuroro. ready na kasi sya anoman mangyari sa kanya, plus medyo kampante sya dahil inutusan naman nya si irumi na i-assasin yung mga mafia na naghire dun sa 2 zoaldyk:lol:

bungeegum
05-18-2009, 02:42 PM
for me, me chance manalo, mataas ang probability rin na manalo si silva against kuroro, kung experience ang babasehan, ewan ko na lang kung ang flaw ng nen nya (if any) magiging loophole para ikatalo nya against kuroro.

ang napressure pa ata sa catching game na 'to yung 2 instead na si kuroro. ready na kasi sya anoman mangyari sa kanya, plus medyo kampante sya dahil inutusan naman nya si irumi na i-assasin yung mga mafia na naghire dun sa 2 zoaldyk:lol:

true true! ang feeling siguro ni kuroro kailangan lang nya magsurvive for a few minutes. kakainis kasi ang vague ng mga depiction ng mga characters.

natsuki
05-20-2009, 05:44 PM
namimiss ko na si gon! astig talaga ng hunter x hunter gusto ko lagi panoorin nakakaenjoy

Rigne
06-23-2009, 11:10 AM
kyaa. ^^ pnpnuod ko ito ngaun. ep 55 n ako. ^^ kakatuwa tlga si gon at killua. kawaii. ^^ andming astig na laban.

chi3
06-23-2009, 11:18 AM
naiingit ako..gusto ko rin panoorin ule >,< masaya nga talaga yung anime na to ^_^ ano fave part nyo or episode nito?

moeru
06-23-2009, 11:30 AM
hmmm... ang tagal ko n rin napanood toh.. hnd ko na maalala ung mga eps... may naalala ako pero hnd clear.. alam ko fave ko un.. ung first challenge yta nilang 4... may village tpos may matandang ayaw sa kanila magpapasok... hnd ko na alam kung tungkol san tlga un pero alam ko, ang ganda nung sinabi dun eh.. wahh... memory gap! X__X

ung greed island, mejo naiimagine ko p... un ung last kong napanood.

dinownload ko pla to... pero hnd ko pinanood ulit. XD

Rigne
06-23-2009, 12:30 PM
@moeru-san: episode 4 ata un. ^^ ung my question sa kanila. tpos ang sagot ay katahimikan. ^^ tpos ung last na sinabi nung matanda ay " prepare yourself for all sorts of cruel, imaginary situations,for reality will suddenly become merciless. " ^^

ung kasama nilang nanggulang sa knila, nakarma. ^^

moeru
06-23-2009, 02:57 PM
^ wow! naalala mo pa ng bonggang bongga! hehehe.. umpisa pa lng pala un! kala ko mejo gitna na un sa series.. mali ako! X_X

kumi-chan
06-23-2009, 03:02 PM
Matatawag na henyo si Togashi. Una ginawa nya si Kurama, dito, si Hisoka... hehehe :)

@rigne-san:grabe naalala mo pa yun... O.O sige HXH marathon ako mamaya... :)

medyo naguluhan ako sa may greed island...

jen-chan
06-24-2009, 12:36 PM
^ umikot pa rin kasi sa challenge at improvement ng nen skills ang arc na 'to eh ano? :)

pero ok pa rin sya entertaining pa rin kaya lang parang medyo bumagal ang phasing. pero at least natapos ni gon ang challenge ng tatay niya di ba? natapos nya yung game :)

kumi-chan
06-24-2009, 12:37 PM
hai hai :) O.O pero sa totoo lang, nabitin talaga ako sa conclusion ng anime.

jen-chan
06-24-2009, 04:59 PM
^ tulad nga ng sabi ko previously, malamang me kasunod sa anime 'to, pero yun nga lang baka matagal tagal pa.. pero sana lang di pa ko lola bago mangyari yun :lol: sabagay kung yung ghost fighter nga me ova diba ? malamang posible rin ang hxh :)

kumi-chan
06-24-2009, 06:23 PM
hai hai Jen-chan, sana talaga magkaroon ng sequel tulad ng YYH. O.O
O.O siguro busy na si Togashi. may pamilya na kc. Haha! :D

bungeegum
06-25-2009, 10:39 AM
sana nga magkaroon ng sequel yung anime. ang tagal na kasi so baka di na ituloy, they're still busy with the manga. di pa namimeet ni gon yung dad nya. I want to see that part happen. lalo na yung mga future doings ng ryodan, especially hisoka.

luruixi
07-24-2009, 11:57 AM
fav ko to huinter x hunter... bitin nga lang ongoing pa kasi ung manga nya. ung ending nung ova di naman nya dadi nya ung nkta nya...daya... haha

cutiesakuno18
07-24-2009, 12:05 PM
ang alam ko, napanood ko toh dati...pero hindi ko na halos matandaan ung story....hahaa

pero kilala ko pa ung mga 4(?) na main characters..ahehe

jen-chan
07-24-2009, 12:59 PM
@cutiesakuno-san : hehe sympre i bet si kurapica ang most remembered mo sa apat kasi sa bishie looks harharhar :001_tt2:

@luruixi (http://www.japinoy.com/forums/member.php?u=3507): oo nga e, ke galeng galeng mambitin ng mga mangaka na yan e ano? :001_tt2:

@thread : HXH talaga ang isa sa pinakafavorite ko kasi ang lupit ng adventures nito at yung mga powers nila.. tsk. sobrang wild ng imagination ni togashi! ang maganda pa rito yung twists tapos samahan pa ng paggamit ng iba ibang strategies ng mga characters gamit ang kanilang nen powers.

aikawa05
07-24-2009, 01:53 PM
hindi na ko updated sa HXH... T_T
khit isa xa sa fav anime ko..tsk3
zannen desu ne~

cutiesakuno18
07-24-2009, 09:24 PM
@jen-nee:
hahahha! hindi noh, mas gusto ko so killua! haaha...mas hot sya...XD

pero gwapo din si kurapica...(and SI YUKI KAIDA DIN ANG NAGVOICE SA KANYA! bwahahahha!)

@aikawa-san:
ongoing pa rin ba toh?! O___O ang tagal na nito ah?

aikawa05
07-25-2009, 03:27 AM
@cutiesakuno18-san

tapos na po kaso hindi ko na napnuod ung mga ksunod na eps...kaya aun hindi ko xa natapos...bukod sa wlng tym mabagal pa ang net..tlga nmn!

cutiesakuno18
07-25-2009, 09:37 AM
@aikawa-san:
ooohh..ilang eps. po ba toh? parang gusto kong manood..XD

bili kang dvd...aheheh

raika pepper
07-25-2009, 09:41 AM
naabot ko hangang sa unang episode ng greed island, pero ang tagal na nun,limot ko na ang ibang scenes... i think i need to start all over again, para marefresh ang lahat =p

aikawa05
07-25-2009, 02:37 PM
@sakuno-san

mejo mahabahaba din xa eh...kc may greed island tas greed island final..tas OVA pa..:D

@raika-san

ako rin hanggang first ep lng ng GI..nakalimutan ko na ung mga nangyari :D

raika pepper
07-25-2009, 02:40 PM
@aikawa-san: eto sinimulan ko na ulit manood, hehehhe... chapter 3 na ulit =p

aikawa05
07-25-2009, 02:44 PM
@raika-san

congrats..ako hindi ko pa alm kung kelan ko xa ulit masisimulan..ung frend ko kasi meron xang dvd eh..kso ung nanghiram sa kanya hanggang ngaun hindi parin binabalk hanggang ngaun..:!

cutiesakuno18
07-25-2009, 03:47 PM
@sakuno-san

mejo mahabahaba din xa eh...kc may greed island tas greed island final..tas OVA pa..:D

@raika-san

ako rin hanggang first ep lng ng GI..nakalimutan ko na ung mga nangyari :D

ay ganun? mga ilang eps?

aikawa05
07-25-2009, 04:08 PM
62 ung bgo mag GI eh..hindi ko lng alm kung ilng eps ung GI...:D

kurugara
07-25-2009, 04:42 PM
hindi ba natapos ung ep n2 wala pakasi acung balita sa bagong ep ni2 ee

cutiesakuno18
07-27-2009, 08:59 PM
hmn...dami din pala noh? teka, pagiisipan ko kung panonoorin ko toh..haha

jen-chan
07-28-2009, 10:04 AM
@jen-nee:
hahahha! hindi noh, mas gusto ko so killua! haaha...mas hot sya...XD

pero gwapo din si kurapica...(and SI YUKI KAIDA DIN ANG NAGVOICE SA KANYA! bwahahahha!)

@aikawa-san:
ongoing pa rin ba toh?! O___O ang tagal na nito ah?

ay, mas type pala ni cutiesakuno-san ang bad boy at supladong bishie harharharhar :001_tt2:
oo si yuki kaida nga! me mga character songs si kurapica na sya rin ang kumanta.

@thread : hanap ako ng hanap ng dvd ng season 1 nito eh, kasi daming magandang eps dun compared sa GI. wala akong makita pa. gusto ko nga imarathon buhat sa umpisa :)

ni-rerun nga pala ng gma 7 'to sa umaga tuwing weekdays. in fairness, i really loved the tagalized dubbing

cutiesakuno18
07-28-2009, 10:13 AM
hahaha! hindi naman....parang depende siguro..XDD ay gusto ko yan! magddl nga ako nyan! XDDD

oo nga! may reruns sya, every 10;00 yata? pero hindi ako nanonood...haha

YuyaNoHime
07-28-2009, 11:03 AM
hindi ko alam kung bakit inisnab ko 'tong anime na 'to kahit na alam kong kapatid sya ng YYH.

puro kasi mga bagets ang bida e. walang dati sa mga oneesan na katulad ko. hahahaha. :D

jen-chan
07-28-2009, 12:26 PM
^ hehe yuya-san, if you want to try something new na iba sa mga naabangan mo nang adventure-action series, this one's worth it ^_^

ako ren nung una nakita ko to puro bagets... di rin ganon kalakas ang dating, pero from first 10 episodes naintriga na ako dito kasi sa adventure at talagang nakakatuwa ung mga challenges nila dito. puno pa ng suspense at twist ^_^

pareho kayo ng impression ng english prof ko dati sa college hehe.. tinanong nya ako, ano'ng anime favorite mo? sabi ko 'hxh' sabi nya, 'Ah, yung puro mga bata ang bida!' tapos sabi nya ako ang favorite ko YYH, lalo na yung villain dun sa tournament na me malaking tenga. (nakalimutan ko pangalan nito hehe)

luruixi
07-28-2009, 12:54 PM
palabas pala to ngaun sa gma hu lol! di ko mn lng alm.. lol

jen-chan
07-28-2009, 02:32 PM
^ hehe enjoy watching. :)

raika pepper
07-28-2009, 08:29 PM
@hime-san & jen chan: hahahhaha, matutuwa si Leorio nyan, sinabihan nyo na ang babagets nila, hahahhaha... gusto ko ang eyes ng kurapica pero mas gusto ko character ni killua, pero kung kyutness grabe ang kawaii ng voice ng nagdub kay Gon, pati yung features nya ang kawaii din.. =)

jen-chan
07-29-2009, 09:02 AM
@hime-san & jen chan: hahahhaha, matutuwa si Leorio nyan, sinabihan nyo na ang babagets nila, hahahhaha... gusto ko ang eyes ng kurapica pero mas gusto ko character ni killua, pero kung kyutness grabe ang kawaii ng voice ng nagdub kay Gon, pati yung features nya ang kawaii din.. =)

oopss.. i forgot to mention na di na pala bagets si leorio hehe.

yup fave ko ang voice actor ni gon si rowena raganit (tagalog dubbed) sya rin ang nagvoice dub kay edward elric sa unang anime adaptation ng fullmetal alchemist na tagalized din sa gma 7 non.

raika pepper
07-29-2009, 07:40 PM
^pati yung dubber sa japanese jen chan kawaii din yun voice, heheheh ... tsaka yung err nakalimutan ko name nung character yung palaging may line na "naririnig ko ang tibok ng iyong puso"... hahahhaha.. =P

kumi-chan
07-29-2009, 10:12 PM
O.O sayang di masyadong naging popular hxh... pero that time na pinalabas ito sa gma, parang nagstart na yung pagdecline ng anime sa station... so parang wala lang.. o.o

random thought: O.O si Togashi talaga kahit kailan laging may hint of yaoi sa mga characters... kung hindi hint, parang double meaning na may something inbetween 2 male characters... take kurapica and leorio for example... O.O opening song pa lang (Ohayou) parang may double meaning lang...

raika pepper
07-29-2009, 10:14 PM
^dahil ba dun sa line na i wanna be your lover , i wanna be your friend??? hahahha... oo nga noh?? hahahha..

hirodayuy
07-29-2009, 10:14 PM
waw biglang nbuhay tu ah hehe sana may lumabas nabagu OVA tung hunter x hunter.

raika pepper
07-29-2009, 10:16 PM
hindi pa ko ready sa mga OVA's, hahaha, kelangan ko muna matapos tong anime,... hay hindi pa nasasagot yung Q ko sa taas, hehehhe.. =P

kumi-chan
07-29-2009, 11:17 PM
O.O raika-san: :D yun nga... basta ang dami kong nakitang moments na parang ang hirap isipin na pang-friends lang mga moments na yun :D

O.O @hiro-san: bagong ova? kailan narelease?

jen-chan
07-30-2009, 12:38 PM
^pati yung dubber sa japanese jen chan kawaii din yun voice, heheheh ... tsaka yung err nakalimutan ko name nung character yung palaging may line na "naririnig ko ang tibok ng iyong puso"... hahahhaha.. =P


ah, si senritsu? yung name nya. hehe cute nga, maski yung tagalog kuha eh. palagay ko ung nagdub kay killua, pakunoda at senritsu iisa lang sa tagalized

@thread : ilan ba bale ang na release na OVA nito?

hirodayuy
08-01-2009, 06:15 PM
tatlong OVA ang release nitung Hunter x Hunter, una yung OVA 1 tungkol kay Kurapika at Spider, tpus next yung OVA 2 na Greed Island tpus ung last OVA 3 eh ung Greed Island Final, wah sana merun pa isa OVA.

ay alam nyu di ba na parehas ung seiyuu ni Gon at Naruto hehe, peru mukang mas manly nman si Gon kay Naruto hahahah XD

kumi-chan
08-02-2009, 01:04 AM
ahh... O.O matagal na atang narelease yun...

pero oo nga! mas manly yung boses ni Gon :D

hirodayuy
08-02-2009, 06:58 PM
hahah sinabi mo pa! at mas manly ang personality ni Gon kesa sa girly type na si naruto haha.

raika pepper
08-02-2009, 07:20 PM
awwwww masyado ka na naiinsecure kay Naruto.. ayan OT =P

jen-chan
08-03-2009, 12:03 PM
@hirodayuy-san : yup! hehe iisa ang seiyuu ni gon at naruto. tuwang tuwa nga ako nang malaman ko eh , seiyuu fan din???!!! harharhar. gustong gusto ko ng boses ni junko takeuchi? tama ba?

yung pinoy counterpart niya si rowena raganit, in fairness, ang galing din magboses batang lalaki at mabiling mabili rin sa tagalized anime series.pero usually siya rin puro batang lalaki ang dina dub nyang character.

hiro-san wag mo naman i-bash masyado si naruto, hehehe.. peborit ko rin yun eh!

luruixi
08-03-2009, 02:13 PM
wow tlg?! di ko mn lng nabosesan!! :)

jen-chan
08-03-2009, 06:53 PM
wow tlg?! di ko mn lng nabosesan!! :)

hehe, medyo iba kasi kay naruto eh, pero nung nabasa ko info nito, nagulat rin ako, pero malaki rin ang pagkakahawig ng boses nila ni gon. palaging pasigaw at matining. lively :)

hirodayuy
08-08-2009, 09:45 PM
@raika pepper-san: hahah alam mo naman hahaha XD

@jen-chan-san: waw! haha alam na alam pati ung tagalog ah XD

cutiesakuno18
08-09-2009, 09:57 AM
grabe, narinig ko ung voice ni kurapica..grabe..ang ganda! (kasi si yuki kaida din ung nagvoice eh..ahihii)

lol. OT..XP

jen-chan
08-09-2009, 02:53 PM
grabe, narinig ko ung voice ni kurapica..grabe..ang ganda! (kasi si yuki kaida din ung nagvoice eh..ahihii)

lol. OT..XP


yup! cutie-san! for me, ito ang isa sa pinakamagandang pagkaka tagalized dub ng anime series! Kuhang kuha ng tagalog dubber ni kurapika yung original na peborit mong dubber :)

At gustung gusto ko rin yung boses ni Killua, to my wonder pati yung tagalog dubber nya kuhang kuha rin ang boses ng japanese na seiyuu. :)

At voila! feeling ko talaga mga pilipino na yung mga anime character! :lol: kakatuwa talaga.

cutiesakuno18
08-09-2009, 06:38 PM
ahaha..oo nga eh, ang ganda talaga ng pagkaka dub in tagalog..XD hindi ka maiinis...XD


and kamukha ni killua si ryoma echizen...haha pareho sila ng eyes...nakakatunaw..XDD

luruixi
08-09-2009, 06:55 PM
para kc mas pabata un boses ni naruto XD mgnda nga pgka dub ng hxh infairness... un boses n leorio boses ata un ni sakuragi eh XD

cutiesakuno18
08-09-2009, 07:57 PM
ahahaha oo nga eh! XDD

natawa nga ako nung narinig ko ung voice ni leorio..XDD

raika pepper
08-09-2009, 08:17 PM
^hahahha iisa yung boses nila sakuragi, alfred ng YYH at leorio, ^ ^.. ayan OT..

kumi-chan
08-10-2009, 09:41 AM
:D pero kahit na isang boses lang sila, bagay naman sa characters nila yun... :) kahit si Leorio.

sayang nga lang... unlike YYH, hindi masyadong na-expose halos lahat ng main characters sa lahat ng seasons... O.O I mean biglang nawala sila Leorio at Kurapica sa mga huling OVA... O.O nakikita ko na lang sila sa ending themes... O.O

cutiesakuno18
08-10-2009, 09:50 AM
weh?! nawala si kurapica? aaww...

hehe..pero at least nandun pa rin si killua..ahihi

jen-chan
08-10-2009, 11:31 AM
@raika-pepper-san/kumi-chan-san : oo tama mabobosesan mo iisa lang ang voice actor ni leorio. i also agree bagay yung boses nung nag-dub. crush ko na rin ata yung dubber non hehehe :laugh:

@cutie-sakuno-san : oo nga pareho ng mata si killua at ryoma, me yabang/ cocky ang dating, parang laging me ibubuga hehe

raika pepper
08-10-2009, 08:23 PM
@jen-chan: sino ryoma? ryoma echizen ba yan??? ...
tama bagay nga yung voice na yun sa kanila, yung parang may angas na kenkoy ang dating =P

cutiesakuno18
08-10-2009, 09:05 PM
d ba? and ung eyes nila, ryoma ang killua, parehong cute! haha and oo nga, pati attitde nila pareho din..XD

jen-chan
08-11-2009, 08:56 AM
d ba? and ung eyes nila, ryoma ang killua, parehong cute! haha and oo nga, pati attitde nila pareho din..XD

ay, nakow, alam mo itong si cutie sakuno-san mahilig sa mga characters na supladito :lol: me pagka-anti social behavior rin pareho itong si killua at ryoma


@jen-chan: sino ryoma? ryoma echizen ba yan??? ...
tama bagay nga yung voice na yun sa kanila, yung parang may angas na kenkoy ang dating =P


yup raika-pepper san si ryoma echizen nga. me talim yung mga tingin nila pareho ni killua :lol:

cutiesakuno18
08-11-2009, 10:04 AM
hahah..oo nga, mahilig ako sa mga supladong bishies...*hearts* XDD

raika pepper
08-11-2009, 08:01 PM
@jen-chan: yung edge ng mga mata (errrr..tama ba yung term??? hindi ko alam tawag dun eh, basta yung dulo) nila magkaparehas din .. =P

jen-chan
08-11-2009, 08:04 PM
@jen-chan: yung edge ng mga mata (errrr..tama ba yung term??? hindi ko alam tawag dun eh, basta yung dulo) nila magkaparehas din .. =P

parang ganon yung gilid nga, plus yung buka ng mata nila malaki talaga na medyo pataas yung gilid. malalaki yung balintataw, tanda ng smart na tao o yung mabilis pumickup. di rin ako sure kung edge nga ang term dun hehe

raika pepper
08-11-2009, 08:13 PM
malalaki yung balintataw, tanda ng smart na tao o yung mabilis pumickup.
parang ang natatandaan ko eh ganun yung sakin ah, hahahhaha.. XD.. adik lang ^^

hahaha yun din napansin ko... ngaun ko lang napagisipan nung sinabi mo , kaya pala familiar na sa akin si echizen nung first time ko siya makita, si killua nga pala ^ ^

cutiesakuno18
08-11-2009, 08:51 PM
d ba?! and pag pinagcompare ung pics nila, tapos eyes lng ang makikita, hindi mo na masasabi kung sino si ryoma and sino si kllua....hahha

Bart18
09-09-2009, 08:51 PM
laki ng pagkakahawig ni Killua at Ryoma...magkapatid?! :lol:

Doujin Man
09-21-2009, 04:13 PM
wala na to... sayang ganda pa naman sana ng anime pag tinuloy tuloy...

hirodayuy
09-25-2009, 11:42 PM
oo nga! kasu mukang d na mggwan uli ng anime dahil alam ko konti palng story ng manga ngek!

ikkothegreat
04-12-2010, 02:13 AM
sana magawan na ng anime ung chimaera ant arc... haha

hirodayuy
04-12-2010, 11:07 PM
hehe ako wla ko alam sa manga XD hangan anime lng ako ng huling greed island 2 XD

ikkothegreat
04-13-2010, 04:35 AM
aw... hahaha

sa manga kasi, udun sa latest arc mejo pumangit ung drawing... haha

hirodayuy
04-16-2010, 03:36 PM
aw hehe baka nman gumanda nman pag sa anime XD

luruixi
04-16-2010, 07:13 PM
bitin kaya un greed island hahaha

FaoLaFini
04-17-2010, 12:31 PM
bitin kaya un greed island hahaha

nakow sobra...

__________________________________________________

diba kapatid ni killua ung pumalit kay hisuka?

ikkothegreat
04-18-2010, 11:06 PM
uhmmm...

bitin nga...

parang binilisan e... dapat sana mas madami pa dinaanan sila gon dun sa game...

ambilis nilang na accomplish ang greed island e...

astig pa naman sana ung concept nung game... haha