View Full Version : Interviewhin natin si Wigent-san!
SeaTofu
09-23-2008, 10:59 AM
Wigent-san,
1. Ano ang inspirasyon mo sa pagpapatakbo ng japinoy.com?
2. Paano mo nadidivide ang time mo between work, japinoy, and personal life? What's a typical day in your life like?
3. How do you see japinoy 5 yrs from now?
---------------------------------------------------------
marami pang follow up questions ang susunod. mga members! feel free to throw your questions in here hehe
Wigent
09-23-2008, 07:43 PM
A-nye. May interview ako. Hehe. Sana lang okay mga sagot ko >;_<
1. Ano ang inspirasyon mo sa pagpapatakbo ng japinoy.com?
Marami kasi akong alam tungkol sa Japan. Una, apo ako ng isang Haponesa. So mga first nursery rhymes ko, mga first food at breeding ko, si Obaasan nagbigay. As I was growing up, wala na si Obaa sa tabi ko pero sa hindi ko maintindihang rason, maraming Japanese nasa paligid ko. Mga kaibigang Hapon, mga kaibigan rin na pumupunta ng Japan andun din. Maski course ko sa college at first regular job ko ay may koneskyon sa Japan.
Kasama ko sa pagtayo ng Japinoy.com ay si Neko-san. Siya rin maraming alam sa Japan lalo na ang Nihongo (at sensei pa siya ^_^). Sabi ko marami tayong alam sa Japan bakit di natin i-share. Kasi ang paniniwala ko, ang knowledge na alam ng tao ay galing sa Diyos at kailangan itong ibigay din sa iba. Kasi ang knowledge di naman nauubos. Kung baga kung may sinabi ako about Japan di naman ito mawawala sa akin eh. Hehe. So itong forum aim namin na dalhin sa isang lugar ang mga Pinoy na may alam sa Japan at mga interesado dito para maraming makaalam ng tungkol nga sa Japan.
2. Paano mo nadidivide ang time mo between work, japinoy, and personal life? What's a typical day in your life like?
Mas marami akong time sa work at kaunti lang talaga sa Japinoy.com. Nagpupunta lang ako minsan sa site para mag-moderate ng posts (delete ang mga post ng naughty members) at sagutin din mga tanong. Mas priority ko talaga ang work kasi dito ako kumukuha ng funds to operate Japinoy.com. Dahil kung hindi wala sa cyberspace ang site na ito. Kung may time man ako sa Japinoy.com, ibinubuhos ko ito sa mga future plans for the site. Not forever ganito lagi ang features ng Japinoy.com. Marami pa akong naiisip na exciting things for Japinoy.com pero it really takes a lot of time. So little by little, hinuhubog ko ang mga plans ng Japinoy.com.
3. How do you see japinoy 5 yrs from now?
Isang site kung saan libo-libong members ang nag-shashare ng info about Japan (well that can happen in less than five years). Pero kung five years: isang malaking site na kahit isang active member ay di na alam na meron palang ganitong "bagay" sa Japinoy.com. Kung anong "bagay" na yun. Malalaman nyo rin ^_^
Bangis
09-27-2008, 01:12 AM
May isang online community rin na halos katunog ng japinoy.com ito ay ang http://www.japPinoy.com
Ano ang masasabi mo at papa-ano mo maikukumpara ang japinoy.com sa jappinoy.com?
Ano ang pinagkaiba ng dalawa?
Ano ang meron ang japinoy.com na pwede mong ipagmalaki sa jappinoy.com?
May chance ba na maging partner sites ang dalawa since halos pareho sila ng pangalan at marahil ay iisa rin ang layunin ng mga bumubuo nito?
Salamat :)
Wigent
09-27-2008, 08:37 AM
Hindi ko alam ang layunin ng site na yun kaya di ako pwedeng gumawa ng comparison. And let's keep this thread only to Japinoy.com and not other sites.
Salamat din :)
ryuchi
10-22-2008, 10:26 AM
Ahahaha! Ako naman magtatanong...
*Ehem ehem*
Who are the people in your neighborhood? XD
Wigent
10-22-2008, 12:46 PM
They are the people I meet each day? ;)
Hindi interesting neighborhood namin, ryuchi-san. Wag na lang yan tanungin mo. Hehe.
fujiringo
10-22-2008, 04:00 PM
How do you make sure that there's something for everyone in this community?
Wigent
10-22-2008, 07:14 PM
Building this site in the first place is an assurance for me that there's something for everyone in Japinoy.com. ^_^
renji14
10-22-2008, 10:20 PM
ako po! may question din :D *taas ang kamay*
sino po ang first best friend nyo? XD paano po kayo nagkakilala??:p
wehehehehehehe. XDD
Wigent
10-22-2008, 11:24 PM
Bestfriend ko nung nag-mamasters ako. Kaklase ko siya sa isang subject kaya kami nagkakilala. Pero di na kami nagkikita ngayon. Istorbo kasi trabaho eh. Hahaha.
maemae
10-22-2008, 11:35 PM
Hello po! Wigent-san magtatanong din po ako. :)
Nung bata po ba kayo naglalaro din kayo ng POG? :D
Salamat po.
fujiringo
10-22-2008, 11:38 PM
What is the essence of being the Japinoy admin? XD
ryuchi
10-23-2008, 08:09 AM
Ako po ako po! Question po!!! *super taas ng kamay at may may pag tayo pang nalalaman*
Kung kayo po ay bibigyan ng super powers ngayong oras na ito at magtatagal po ang powers na yun for 1 whole year, anung powers ang hihingin nyo? Gugustuhin nyo din po maging member ng Bioman? XD
Wigent
10-23-2008, 08:22 PM
Hello po! Wigent-san magtatanong din po ako. :)
Nung bata po ba kayo naglalaro din kayo ng POG? :D
Salamat po.
Hindi. Hehe. Gusto ko shato at taguan ^_^
What is the essence of being the Japinoy admin? XD
Uy, para akong nasa beauty contest. Hehe.
Sagot ko: "Keeping Japinoy.com alive and growing."
Ako po ako po! Question po!!! *super taas ng kamay at may may pag tayo pang nalalaman*
Kung kayo po ay bibigyan ng super powers ngayong oras na ito at magtatagal po ang powers na yun for 1 whole year, anung powers ang hihingin nyo? Gugustuhin nyo din po maging member ng Bioman? XD
Pwede rin. Ako na lang si Red 1. Hehe.
fujiringo
10-23-2008, 08:43 PM
If Japinoy is to leave a legacy in history, what would it be?
vBulletin® v3.8.6, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.